Showing posts with label inner-self. Show all posts
Showing posts with label inner-self. Show all posts

Wednesday, June 6, 2007

me and my god

nasa kangkungan sarili ko ngayon. aktwali pabalik balik na ako dito sa kangkungan. di na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. minsan nga gusto ko pumirmi na lang dito kasi dito yata ako nababagay eh. kaso di pwede...kelangan ko umahon at umayos. mag astang cool kunyari. di naman maiintindihan ng mga anak ko pag nagpirmi ako dito sa kangkungan kasi wala naman silang alam na lugmok ako ngayon... broken-hearted baga dahil sa nainlab nanay nila.

tigas din naman kasi ng mukha ko. di na natuto. paulit-ulit nagtiwala ... naniwala ... ang tagal ko rin umasa ... umintindi ... nagbakasali ... sumugal ... binuhos ang loob ... ngangarap ... pero sowsssssss ... eto ... ang ending eh sa kangkungan rin lang pala ako pupulutin. ang hirap talaga magmahal ... pag binalewala ka ng taong natutunan mong mahalin ... tangay tangay halos buong pagkatao mo. naiiwan kang wasak ang kumpyansa sa sarili. di halos makatayo at walang gana sa lahat ng bagay. sa umaga pa lang, eh luha na agad ang pinanghihilamos. sa gabi naman, pampatulog eh luha pa rin. kakapagod. ang sakit sa mata. monochromatic bigla ang tingin sa mundo. walang kakulay-kulay ang paligid.

i'm not a religious type of person but i do pray. kaso minsan naiisip ko, maybe i'm praying to a wrong god. or does He really hear me pray? whenever i talk to my god...sincere naman ako makipag-usap sa Kanya...i even say it aloud para marinig talaga. lagi ako nakikiusap na sana i-guide Niya ang daan ko para naman para hindi na mapunta sarili ko sa kangkungan. pero di yata ako malakas kay god a. papano ba ang sumipsip para maging malakas kapit ko sa Kanya? kelangan ba Niya ng redtape o suhol para maging pabor sa akin ang mga pagkakataon?

i don't have bags of religious tricks at kung meron man ano ang dapat kong gawin para naman maging wagi ako paminsan-minsan? nakakapagtampo. anak din naman Niya ako at di naman ako nagpapaka-spoiled brat pero bakit simpleng request at pangarap lang di pa ako mapagbigyan ni god. palakasan ba talaga?

pero di ako susuko. kasehodang isa-isahin ko pulutin ang gutay-gutay kong sarili para mabuo ulit for the nth time... kukulit-kulitin pa rin kita god.


sabi nila lahat ng pangyayari sa buhay masama man o mabuti ay may katumbas na rason o dahilan. di naman kaya nagpapaka boba lang ako at di ko lang napapansin na ang mensahe pala ni god kaya andito ako sa kangkungan ngayon ay para... magnegosyo na lang ako as bigtime kangkong dealer???

Saturday, June 2, 2007

rivermaya's ELESI

"pag automatic na ang luha ... tuwing naghahating-gabi ... 'pag imposibleng napatawa ... at 'di na madapuan ng ngiti"

this is not the type of a song that could melt a woman's heart nor the kind of a lovesong that send ones eyes into tears when listened. but this rivermaya's elesi never fails to give me comfort during my low moments, it never cease to boost my morale when i can feel myself like screaming "enoughhhh!" in the middle of complexities.

ugh! aloneness at night sometimes really freaks me out.


"... kumapit ka kaya ... sa akin nang ikaw ay maitangay sa kalayaan ng ligaya ... tayo na, tayo na ... ika'y magtiwala sapagka't ngayong gabi ako ang mahiwagang elesi ... "

its tough to keep one's sanity intact. hindi ako papetiks-petiks lang sa buhay as others would throw their impression on me.

lumang-luma na tong kanta pero ni minsan di ko pinagsawaan. eto bale ang "red bull" o "lipovitan" ng minsan ay nanghihina kong katawan. the song's fast tempo can easily pump up my weary soul. pag pinapakinggan ko to sa ipod, napapapikit pa nga ako ng mata (with matching tulo ng luha) at minsan pakiramdam ko para akong si Lois Lane na nililipad ni Superman sa kalawakan sa kalagitnaan ng gabi . wahihihi!

"'pag komplikado ang problema ... parang relong made in japan ... at para ding sandwich na nasa lunchbox mong nawawala ... nabubulok na sa isipan ... "

"ako bahala sa yo" ... "wag ka mag alala" ... "wag mo na problemahin yan" , eto ang mga mga katagang di ko na matandaan kung kelan ko huling narinig o may nagsabi sa akin pag nasa gitna ako ng problema.

"minsan ako'y nangailangan ... dalian kang lumapit sa akin ... ibinulong mo kaibigan ... "ako ang iyong liwanag sa dilim". "

o kitams, ang galing talaga magbigay pag-asa ng kantang na to.
to rivermaya, mahal ko kayo kaibigan.
thank you for keeping my equilibrium in balance ... kahit panandalian lang.

Thursday, May 10, 2007

Childhood Memories at Ari-arian ko

Baby_bath

Umabot ako sa edad ko ngayon na wala man lang ni isang bagay in my possesion na MAS makapag paalala sa akin ng childhood ko. wala tuloy akong ebidensya na dumaan ako sa pagka-baby. kahit isang kupas na baby picture ko wala. As in wala ni isa talaga. curious tuloy ako kung ano itsura ko nung bata pa ako.

Ang natatandaan ko lang eh mga wento gaya ng sinasabi sa akin noon eh ang puti-puti ko at kyut-kyut ko raw. (achoos! wahehe!) At marami daw akong kuto noon. waaah! totoo yun. Lalo na pag bagong ligo ako, pinag aagawan agad ng apat kong ate ang kapipiranggot kong ulo kasi masarap daw maghinguto pag basa pa ang buhok kasi hirap pa gumapang ang mga kuto. Mangiyak ngiyak ako dahil halos matanggal na ang ulo sa leeg ko sa mag kabilaang tiris at sabunot sa buhok ang ginagawa ng mga ate ko. Asar ako lagi kasi di ako makapaglaro agad. Babad ako lagi sa araw. Ihi lang ang pahinga sa pakikipaglaro sa labas ng bahay kaya kutuhin ako.

Sa burol ng sister kong si Beth 3 years ago, bumalik ako ng Samar where i spent my childhood 'til 10 years old ako. Nagkita kita uli kami nung mga dati kong kaibigan sa samar. Kumustahan. Tsikahan. And then there was this one woman, matured na sya at di ko na nga maalala pangalan nya eh biglang sumingit sa kumpol namin at sabi may mga wento sya about me nung bata pa ako. Kahit di ko na sya masyado natatandaan eh naging all-ears at napangiti ako sa ka-prangkahan nya. Former neighbor ko sya sa samar. She can still remember na ang hilig ko raw maligo sa ulan noon and take note, hubo't hubad akong nagtatakbo sa kalsada.isip-isip ko, syet! hubadera na pala ako noong bata pa. bwahahaha! ganun naman talaga mga bata. mahilig magtampisaw sa ulan, hubot hubad kasi wala pang malisya. Di nga raw maiwasan na hindi ako lingunin kasi super-puti daw ako.

At eto ang di ko kinaya sa wento nya at napahalakhak talaga ako pati na mga kasama ko... ang di daw makalimutan ni dating mrs. neybor ko eh yung fukengkeng ko. haba daw hiwa at tambok. BWAHAHAHAHA! di ko alam kung namula ako nun sa pagkasabi nya. lakas ng tawa ko sabay sabing.. "amp! kala ko ngayon lang to.... inborn pala" syet! asset kaya to?