Every now and then eh may nagtatanong sa akin lalo na sa chat ng 64 million dollar question na to:
"miss maru, may plano ka pa bang mag-asawa?"
(ayaw ko sagutin ang tanong ng tipong pang Miss Universe' Q & A portion na may pa-tweetums.)
Tange! UU NAMAN! Gusto ko pa rin mag asawa at asawahin noh!
Nyeta, sawang-sawa na ako sa apelyido kong Zobel de Ayala at gusto ko naman nagkaroon ng pagbabago. Eh nasan na pala husband mo? tanong pa ng iba pag nalalaman na may kids na ako. Haler! di mo naman kelangan magkaroon ng husband muna para magkaanak noh. Tsaka noon pa man eh uso na talaga ang mga single moms. Siempre pahuhuli ba naman ako sa uso. lols. Ewan ko ba, nagkaroon na ako ng dalawang anak at lahat lahat pero hindi ko talaga feel na maging merid noon.
Mga 3 taon pa lang hanggang sa kasulukuyan ng napagtanto (syet! lalim!) ko na gusto ko na rin magkaroon ng sariling jowa. Yung jowang permanente at panghabang-buhay na talaga. Yung pwede kong tirahin dito sa tirahan ko. Este hindi tirahin, dalhin pala at mai-uwi.
Ewan ko at kusang dumating na lang sa akin yung feeling at biglang, ay! type ko na magka mister! At di lang yun, naging ultimate dream ko pa ngayon.
Sabihin na natin na sa ibat-ibang role ng ginagampanan ko sa buhay eh yung pagiging wifey naman ang gusto ko matikman. Curious ako na malaman kung anong klaseng asawa ako. Malambing kaya ako? Maalaga? Burara? Martir? o Nagger kaya ako? Mangungupit?
Balak ko magka mister na kasi gusto ko ng ma-experience din yung MAY minamanyak ako sa gabi. Yung MAY kukulit-kulitin ako para maka-iskor. Yung nakadukot kamay ko sa kanya para maging mahimbing tulog ko at siempre yung MAY bobosohan ako pag iihi sya at o kaya naliligo. Hehehe! Medyo baliktad yata role ko pero di bale, mas exciting yun. lols! Tsaka i wonder, kaya ko kaya yung amuy-amuyin ko muna ang bagong hubad na brip ng jowa ko bago labhan? Hmmmn... para may naririnig na akong "yuckkkk!" sa readers ko a.
Ang sarap siguro ng may mister, yung tipong tatawag-tawagan mo sya opis sa kalagitnaan ng work nya para sabihin.... "hon, naho-horny ako. uwi ka ng maaga ha? bilisan mo at gagamitin kita". Sweet kaya ang dating ng ganun sa magiging mister ko?
O kaya, pag tuwing araw ng sahod eh sisipagan ko ang pagbibigay ng masahe sa katawan nya, may kasama pang 45 minutes na footspa (talagang magpapaka alila ang gimik) then sasabayan ko ng hirit ng..."hon, may nakita akong magandang relo dun sa suking boutique ko. Type ko. Palagay ko angat byuti ko dun pag naisuot ko yun. Bilhin kaya natin? " o di ba, hindi garapal. hindi halatang kinikikilan mo na sya.
Sayang naman kung hindi ako mag aasawa. mabuburo talent ko sa bed na may paliyad-liyad, pagulong-gulong at yung ungol-ungol ko na parang pusang di makapanganak. Bah! Swerte din ng magiging jowa ko, sabi nga ng isa sa paborito kong blogger na si JON CABRON ..."single moms are hotter in bed." Naks!
Kelan kaya darating si future hubby ko? May nagkakagusto sa akin pero di ko naman masyadong feel. Yung gusto ko naman eh dedma naman ako sa kanya. Ni ayaw nga akong bigyan ng importansya. Hmp! haysss...pang ihi na lang yata to. Baka pag minalas malas pa ako eh baka magsarado pa. waaah! naknampating!
nways, eto handog ko para sa mga singol girlfriends ko. basahin nyo. kung ayaw nyo sa tula na to, bahala kayo! eh pulot ko lang naman to.
ASAWA Ba KAMO?
Bakit ba kahit saan ako magpunta ang laging tanong,
Kung meron na akong asawa?
Sawang-sawa na sa mga tanong kung bakit wala pa.
E, mismo ako nagtataka.
Para ano pa ang mag-asawa?
Para singsing may mapapakita?
Kaya kong bumili kahit dala-dalawa pa.
Para iba na ang apelyido?
Ilang lakad lang sa City Hall
Pwede na akong Pitt, Cruise o di Caprio!
Para may baby ako?
Kaya naman kahit di lisensyado.
Siyam na buwan lang makikita mo na resulta.
Para may katabi sa gabi?
Kaagaw lang sa kumot yan.
Baka malakas pang humilik.
Para pag gising may kasama?
Kailangan ba?
Mouthwash naman ang hanap sa mabahong hininga.
Para sumaya?
Kung talagang hindi masaya, walang magbabago sa pag aasawa.
Mandadamay pa ng iba.
Mag-aasawa lang sa tamang dahilan
Kahit edad wala na sa lotto at kalendaryo,
Basta tama ang panahon.
Eh, papano kung talagang wala?
Eh, di wala.
Amg mahalaga sa buhay - kuntento ka.
No comments:
Post a Comment