naidlip ako...nagising...hmmmn...sobrang tahimik ng bahay...hinanap ko mga kasama ko...wala si keziah nasa mga cousin nya...may soccer practice si kevin...my niece is nowhere to be found also...ako lang pala naiwan sa bahay...wala makausap...kinuha ko selpown ko...makapag text na nga lang...opss! wala pala akong load...on ko na lang pyuter ko..nag online...login sa YM ... sumilip baka may interesanteng pwedeng makausap.
bah! himala! ang tahimik din. wala ni isang manyak na online maliban sa......ha?? sarili ko??? eto nakita ko.
matagal ng naka-add ang sarili kong id sa YM ko. wala lang... naisipan ko lang i-add kasi inaabangan ko rin sarili ko baka sakali mag webcam yung id ko. para mauna ako maka akses. wahihi.
out of boredom, i decided to send message to myself. na curious din ako how my chat window will look like if i chat with myself. kako, subukan ko kayang asarin sarili ko, maaliw kaya ako? eto ang kinalabasan...
ay!!! doble-doble lumalabas. parang may echo. (natural! gaga!) hihihi! kausap ko nga pala sarili ko. nangiti akong mag isa.
nakikita ko pa sarili ko nagta-type. hahaha! umandar na naman pagiging autistic ko. may sariling mundo. impernes, naaliw ako...naaliw ko sarili ko ng sandali.
1 comment:
eto pinakamalupet na blogpost mamaru!.. yung kausapin ang sariling ID sa YM naiintindihan ko eh.. ang mabangis dun, SCREEN CAP mo pa eh noh?! ang tindiiii mooooo! nyahahahah!
Post a Comment