Wednesday, June 6, 2007

me and my god

nasa kangkungan sarili ko ngayon. aktwali pabalik balik na ako dito sa kangkungan. di na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. minsan nga gusto ko pumirmi na lang dito kasi dito yata ako nababagay eh. kaso di pwede...kelangan ko umahon at umayos. mag astang cool kunyari. di naman maiintindihan ng mga anak ko pag nagpirmi ako dito sa kangkungan kasi wala naman silang alam na lugmok ako ngayon... broken-hearted baga dahil sa nainlab nanay nila.

tigas din naman kasi ng mukha ko. di na natuto. paulit-ulit nagtiwala ... naniwala ... ang tagal ko rin umasa ... umintindi ... nagbakasali ... sumugal ... binuhos ang loob ... ngangarap ... pero sowsssssss ... eto ... ang ending eh sa kangkungan rin lang pala ako pupulutin. ang hirap talaga magmahal ... pag binalewala ka ng taong natutunan mong mahalin ... tangay tangay halos buong pagkatao mo. naiiwan kang wasak ang kumpyansa sa sarili. di halos makatayo at walang gana sa lahat ng bagay. sa umaga pa lang, eh luha na agad ang pinanghihilamos. sa gabi naman, pampatulog eh luha pa rin. kakapagod. ang sakit sa mata. monochromatic bigla ang tingin sa mundo. walang kakulay-kulay ang paligid.

i'm not a religious type of person but i do pray. kaso minsan naiisip ko, maybe i'm praying to a wrong god. or does He really hear me pray? whenever i talk to my god...sincere naman ako makipag-usap sa Kanya...i even say it aloud para marinig talaga. lagi ako nakikiusap na sana i-guide Niya ang daan ko para naman para hindi na mapunta sarili ko sa kangkungan. pero di yata ako malakas kay god a. papano ba ang sumipsip para maging malakas kapit ko sa Kanya? kelangan ba Niya ng redtape o suhol para maging pabor sa akin ang mga pagkakataon?

i don't have bags of religious tricks at kung meron man ano ang dapat kong gawin para naman maging wagi ako paminsan-minsan? nakakapagtampo. anak din naman Niya ako at di naman ako nagpapaka-spoiled brat pero bakit simpleng request at pangarap lang di pa ako mapagbigyan ni god. palakasan ba talaga?

pero di ako susuko. kasehodang isa-isahin ko pulutin ang gutay-gutay kong sarili para mabuo ulit for the nth time... kukulit-kulitin pa rin kita god.


sabi nila lahat ng pangyayari sa buhay masama man o mabuti ay may katumbas na rason o dahilan. di naman kaya nagpapaka boba lang ako at di ko lang napapansin na ang mensahe pala ni god kaya andito ako sa kangkungan ngayon ay para... magnegosyo na lang ako as bigtime kangkong dealer???

2 comments:

gingmaganda said...

tsss...di ka nag iisa sister.

Maru said...

hello gingmaganda,

sister, now i can say..hindi talaga ako nag iisa kasi anjan ka na. hahaha! alam ko rin ang pinagdadaanan mo ngayon. pero kayang-kaya natin to kahit parang ino-okray tau ng panahon. nways, salamat sa pagdaan mo sa blog kong pula. best regards.