Monday, May 28, 2007

goodbye friendster... hello blogger






bitbit ang ilang kasangkapan galing sa Friendster blog ko eh lipat-blog na ako dito sa Blogger/Blogspot.com. whew! parang lipat-bahay nga talaga. hirap pala mag-impake, magbitbit o maghakot ng mga kagamitan. at talagang napuyat ang beauty ko ha. naka 3 mug ng kape din ang nalaklak ko para wag lang bumigat talukap ng mga mata ko.

ang sarap din sa pakiramdam ang makita ang bagong anyo ng bahay este blog ko. exciting ang mamili at mag ayos ng layout. naka ilang palit din ako bago nakapag decide. parang bagong bahay nga talaga. partly mababasa mo na rin ang katauhan ng isang blogger sa choice ng template at layout ng blog nya. o anong say nyo sa kulay-regla na pinturang nangingibabaw dito sa bagong bahay ko? nagmumura sa kapulahan! nyahaha! parang hot na hot ang me-ari a!

sinama ko na rin sa paglipat ko dito ang dalawang kapitbahay ko sa blogging na sina Jon Cabron at DEFPOTEC. hehehe! tong dalawang betlogins lang naman kasi ang nagtiyaga mag link sa akin sa blog nila sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko sa dun Friendster. uu, naka 2 taon din akong nanirahan ng libre sa Friendster. at ang hirap pag nakikitira ng libre. di ako masyado makagalaw dun dahil sa maraming limitasyon. ni hindi ako pwede magdagdag ng bagong kagamitan sa loob o kaya palitan kurtina ng blog ko . eh siempre nakakasawa din ang puro ganung ayos na lang noh. kelangan magkaroon din ng pagbabago. variety is the spice of life ika nga.

well, libre din naman dito sa Blogger pero mas mai- enhance ng konti creativity ko dito at malamang kumita pa nga ako dahil sa pagkabit ko ng adsense. pero kumbaga, pakonswelo na lang naman yung adsense. medyo swapang ang Friendster... sila lang ang pwedeng kumita dun sa blog ko. hehehe! but fore sure, i'll be missing my old home.

ano kaya magiging buhay ko dito sa bagong bahay ko? sana dumami pa kapitbahay ko.

4 comments:

Anonymous said...

wow.. so kelan ang blessing at house party?! congrats sa bagong bahay.. ang ganda at ang *L ng kulay! ..lolz'

* L - lamig sa mata

Anonymous said...

nagulat ako sa stats ko, biglang nag shoot up, parang duduguin ang ilong ko... dahil sa link sayo.. para akong tumama ng lotto! salamat ng marami.. at sana naman ay feel at house ka sa bago mong tahanan... potluck ba?

Maru said...

@jon and defpotec<<< salamat at dumating kayo dito sa bahay na pula ko. deretso na po kayo sa kwarto ko. nyahahaha! astig talaga tong mga nebors ko. mahal ko na kayo. mwaah!

Anonymous said...

Do you still use free service like blogspot.com or wordpress.com but
they have less control and less features.
shift to next generation blog service which provide free websites for
your blog at free of cost.
get fully controllable (yourname.com)and more features like
forums,wiki,CMS and email services for your blog and many more free
services.
hundreds reported 300% increase in the blog traffic and revenue
join next generation blogging services at www.hyperwebenable.com
regards
www.hyperwebenable.com