now my civil status is single pa rin naman, however i'm with kids na. as a sole provider of three souls (a son, a daughter and a niece) i no longer have the luxury of shelling out much moolah to my personal whims and caprices. given na yung reality na mahihilig talaga kaming mga babae sa damit, sapatos, bags, make-ups at kung ano pang anik-anik na kakikayan. (shopping mall is our 2nd house of worship. lolz.) pero andito na ako sa sitwasyon wherein shopping become a once-a-year activity na lang to me. minsan nga halos tuwing pasko na lang eh. tsk! tsk! tsk! peborit sport ko pa naman ang shopping. lolz.
as a single mom, most often i suffer depletion of dinero. therefore, kelangan kong maging diskarte queen talaga. sa hirap ng buhay ngayon eh need ko ang maging praktikal kaya eto, imbes na sa mall ako mamili eh straight from UK (ukay-ukay) ko na kinukuha ang mga damit ko.
i dunno pero enjoy ako mag ukay-ukay. parang nakakawala din ng stress sa akin. ekskyus me noh, di naman lahat eh madudumi mga damit sa UK. madalas nakukuha ko mga unused pa nga eh at may mga slight damage lang gaya ng mga nawawalang butones o sirang laylayan. sus, andami kayang magagandang damit sa UK noh. branded pa! eh sa pagdadala lang din naman yan ng saplot. kadalasan nakakasabay ko mamili sa UK eh mga working girls o mga taong sa tingin ko wala naman sa itsura na naghihirap.
hereabove is a pic of my latest grab from UK. i bought the pieces last week. each blouse originally tagged at P85 each but with my talent in haggling at pambabarat eh nakuha ko sya ng tig P50 na lang. kitams, sa P100 ko eh may dalawang blouse na agad ako na pang rampa. ganda.
No comments:
Post a Comment