Saturday, May 5, 2007

Hay buhay nga naman...

sabado ngayon kaya namalengke ako kanina bitbit ang limandaang piso. josko! lahat na lang yata eh nagtataasan. pwera na lang unano. napapataas tuloy ang bagong bunot kong kilay tuwing nagtatanong ako sa presyo ng binibili ko. panty na lang yata ang bumababa ngayon a! ay meron pa pala...mantika eh bumababa na rin. dati pag bumili ka ng 8 pisong mantika eh isang lapad na yun. eh ngayon eh di man lang mangalahati ang lapad sa 8 piso mo.

bumaba ang value ng dollar kontra peso ngayon pero bakit ganun, it seems like it doesnt make any difference afterall. wa ko feel na may epektong maganda ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar. pakonti ng pakonti nga nabibili ng 500 pesos ko sa palengke eh. hay buhay nga naman...

sino kaya ang pwedeng sisihin sa pahirap na pahirap na buhay dito sa pinas? pwede kaya sisihin ang mga politiko? awww! kaya nga ayaw ko na bomoto sa nalalapit na halalan eh. mula noong natalo ang presidential candidate ko na si eddie gil eh nawalan na ako ng gana. hahaha! uy biro lang ha!

pero imadyinen nyo kung nanalo si eddie gil na presidente, siguro bayad na ang pilipinas sa lahat ng pagkakautang sa labas. hehehe! nakakatawa yung plataporma (at wig) nya noon kasi parang nakakaloko at nang o-okray pero ano naman pinagkaiba nya sa mga nanalong kandidato noong nakaraang election? sus, puro din naman sila pangako a. dami nilang chuva ek-ek. halos wala din naman silang pinagkaiba kay eddie gil. nakakaloko. nakakainis. nakakasuya. kaya this coming may 14 eh dedma na ang byuti ko sa mala-peryang halalan. mas mabuti pang magpa manicure na lang ako sa may 14 eh wala pa akong dapat ipag aalala na baka masira manicure ko ng indelible ink kung boboto ako.

No comments: