habang nagpapa-gas si utol ng car sa isang shell station eh na-amuse ako sa nabasa kong to. di ko alam kung para kanino patama tong sticker na nakadikit sa booth ng cashier. para kaya to sa mga motorista para matawa at para hindi mainip habang nagpapakarga ng gasolina? o guidelines para sa mga nagbabalak mangholdap sa kanila?
"Barya lang ang natitira sa kaha" - eto iisipin ko kung ako ang holdaper, "utot nyo! bolahin nyo lelang nyo! dehins yan true! baryabols man yan eh pera pa rin yan noh. at libo-libong barya pa rin yan."
"Wala sa istasyon ang susi ng kaha de yero" - abah! at may pa-puzzle pa ha! hmmn.. nasa CR kaya ang susi? more clues naman diyan!
"Ang istasyong ito ay protektado ng videocam 24 oras" - eh di magmamaskara ako o magsusuot ng bonnet! problema ba yun? kuuu!!!!
laking tulong netong sticker sign na to sa mga masasamang loob para pagandahin nila lalo ang pagpaplano ng panloloob.
No comments:
Post a Comment