Monday, June 18, 2007

Usapang-Utot

Wala pa ako nakitang tao na nagtakip ng sarili nyang ilong dahil sa diring-diri sya sa sarili nyang utot kahit ang amoy ng masamang hangin na yun ay parang tear gas ang epek sa naka singhot. uu, yung tipong pag naamoy mo eh maluha-luha ka talaga sa bagsik ng tama. fully-concentrated baga.

pag nagtakip naman sya ng ilong that means hindi sa kanya yung toxic gas na yun. Pwera na lang siguro kung nasa public place at kunyari ayaw ng salarin ang mabisto na sya ang nagpasabog sa pamatay na bomba kaya cover-the-nose na rin ang akting-aktingan nya.

Tapatan na to … gustong gusto ko lahat ng amoy ng utot ko. Gustong-gusto ko to the point na ipinagdadamot ko sya at ayaw ko talaga i-share sa iba ang amoy. Burn me in hell kung nagsisinungaling ako sa sinasabi ko.

Ano ba talaga kahalagahan ng utot o pag utot mula sa katawan ng tao? Tsaka bakit nga ba nauuna lagi ang pag utot bago umebs? Pasintabi na po sa mga kumakain habang nakikibasa neto.

Minsan ko na nabanggit sa chatroom ang tungkol sa sarili kong pagkakaintindi sa kahalagahan ng pag-utot based sa experience ko. Sus, pinagtatawanan lang ako noon ng mga manyakol sa wento ko tungkol sa utot. Hindi ko alam ang medical explanations pero alam ko ang utot ay maraming Benefits. Hehehe!

Nung nanganak ako sa mga kiddos ko via ceasarian operations, dun ko napansin na mahalaga pala ang utot o pag utot ng tao. During recovery kasi … pagnag ra-round yung doctor sa kwarto ko o kaya tsine-tsek ako ng nurse… lagi ang tanong: “maam, umutot na po ba kayo?” o kaya, “maam, nag popo na po ba kayo?” di ko naman maitanong kung bakit ang kukulit nila sa pag utot ko o pag ebs? parang ginto ang turing nila. napaka importante.

Kakainis kasi di pa yata ako papayagan noon umalis ng ospital hangga't di lumalabas ang mahiwagang utot ko. Eh ang hirap kaya umutot pag hindi ka busog tsaka papano naman ako mabubusog eh soft diet meal ang binibigay sa akin dun sa ospital at aysus… walang kalasa-lasa talaga.

Inisip ko na lang na baka kaya importante sa kanila ang utot ko ay dahil sa:

  1. ang utot ang makakapagsabi na normal na ulit ang sistema ng katawan ko at makakahinga na ang doctor ng maluwag dahil sigurado na sya na walang scalpel, gunting, tuwalya, o kaya hand gloves na naiwan sa loob ng tiyan ko nung inopera nila ako.

  1. ang utot ko ay isang senyales na maayos, mahusay at organisado ang pagka arrange nila ng mga laman-loob ko gaya ng small at large intestines ko pagkatapos nilang hugutin ang baby sa tiyan ko;

  1. Pag lumabas ang utot ko sa wetpaks, ibig sabihin nun walang singaw at maayos ang pagkasara ng hiniwa sa akin. indikasyon din yun na maganda ang pagka cross-stitch ni doktora sa puson ko at hindi minadali. otherwise kung di maayos ang pagkasarado eh baka dun sa puson ko dumaan ang singaw ng utot ko. lol.

Sa kaiisip ko, napa-i-therefore-conclude tuloy ako na parang anak na rin pala ang utot.Kahit anong itsura ng anak, para sa ina…walang pangit na anak. Lahat ay maganda at gwapo.Ganun din ang utot. Kahit anong bagsik ng ibinuga mong hangin basta galing sa sarili mong wetpaks eh di ka nababahuhan bagkus bangung-bango ka pa nga sa pag amoy. may logic di ba?

Gaya ng pagmamahal ko sa mga sariling kong anak ….mahal ko na rin utot ko…unconditionally. unconditionally daw o!

No comments: