Thursday, June 28, 2007

Scarred People Are Beautiful

a re-post from my friendster blog.
this is for my chat buddy "twistedlink".

buddy, read this and i hope this piece will inspire you to never give up and just continue falling in love.

I speak:

I’ve seen a number of movies lately, Lord, like Romeo and Juliet.
The love of young people… at least in these movies is beautiful…so simple, so total, so uncomplicated.
They seem so natural, so free in their emotions, so clear in their feelings.
I wish I could be like that, Lord.
But I can’t be.
I’ve been hurt, Lord.
I have trusted and been betrayed at times.
I have loved and received nothing in return.
I have tried to care and failed…often.
I have shared my secrets and heard them whispered to others.
I’ve been through it, Lord.
I’ve fallen on my face.
I’ve banged my shins.
I’ve been bruised.
Look, Lord, I’m all covered with scars.

The LORD speaks:

Maybe you haven’t understood enough.
Maybe you haven’t learned that human life is like that.
All saints are scarred.
Young love isn’t the highest form of human love.
The greatest love comes from scarred people.
I know many people stop loving so they won’t be hurt again.
But those who do start over again who continue in spite of all who leave themselves open to the possibility of hurt again...
These people are able to love in a deeper way, a more understanding way, a richer way.

I respond:

I think I know what you mean, Lord.
I’ve met people like that…and knowing them gives me courage.
The great people are those who continue to love with all their scars.
I like scarred people, Lord.
They are beautiful.

Wednesday, June 27, 2007

Fashionistas

anong bansa kaya ang may ganitong fashion statement? maging patok kaya to sa pinas? mabuti na lang maputi wetpaks ko. pwede ako sumunod sa uso kung saka-sakali. pero malamang magsusuot naman ako ng maskara sa mukha. lol.

Monday, June 25, 2007

SMS Jokes For Today

"Hinatak ako ni Ibarra na tila isang kagamitang pag aari nya ... habang si Elias nama'y nasa aking likuran. Nadama ko ang init ng kanilang damdamin mula sa aking kaibuturan. Halinhinan silang nagtampisaw sa matamis na lawang ngayon pa lamang nakadanas ng ibayong kaligayahan ..."
- Maria Clara
(sinaunang threesome)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

B1: Grabe! Naholdap ako, muntik pa ako mamatay.
B2: Bakit di u humingi ng tulong?
B1: Nagtext ako sa pulis station
B2: Bakit anong reply?
B1: Hay naku, eto ang reply.....


"Hu u?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maid nakakita ng condom after sex ng couple.

MAID: Ano to?
LALAKI: Bakit wala bang sex sa bukid?
MAID: Meron naman po sir, pero hindi ganito ka grabe na pati balat natatanggal...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa isang ospital

LOLA (may cancer): Doc, anong gagawin nyo sa akin?
DOC: che-chemo lola.
LOLA: titi mo rin! Bastos ka! walang modo!

Saturday, June 23, 2007

one good deed

am with my 8-year old nephew steven at powerbooks-megamall yesterday when a text message from a non-familiar number appeared in my cellphone.

+639209113xxx: hi! what time will u get here?
M a r u j a: Denis?
+639209113xxx: this is mon
M a r u j a: wow mali. wrong sending.
+639209113xxx: ooops sorry...whos this pls?
M a r u j a: Maruja
+639209113xxx: hi maruja! sorry i disturbed u... thanks!
M a r u j a: Np mon. It always happens. ur welkam.
+639209113xxx: thanks again.

di lang minsan nangyari sa kin yung may naliligaw na text messages sa selpon ko. ganito ginagawa ko pag may nareresib ako. iniisip ko muna kung importante ang laman ng naligaw na text na yun. dedma ko lang pag dehins importante. at kung meron naman at kung may load din lang ako eh binabalik ko or pinagsasabihan ko yung me ari ng numero na nagkamali sya ng pagpapadala at kung pwede check nya yung tamang number. kakaawa naman kasi pag di mo ipinaalam sa nagpadala na naliligaw yung mensahe nya. lalo na pag nagtatanong ang message at tipong kelangan ng sagot.

it was just a small deed pero it was good. what matter most is ... i did one small good deed to a fellow yesterday. and i'm proud of it.

bonus/reward: Mon called for 20 minutes kanina and i just won a new friend.

Friday, June 22, 2007

Breakfast At Figaro

Had a short chit-chat over coffee and hearty breakfast with my YM buddy unoprimero (nice, funny and naughty guy indeed) at Figaro - Sta. Lucia East Mall. (who can say no to free breakfast meal? lol.) Also, he gave me this book as memento of our friendship. Aww! showbiz na showbiz ang tunog. hahaha! Thanks Uno.

So excited to finish the book so next time i introduce myself to a guy, i'll simply say it this way: "hi i'm Maruja ...and i'm a bitch!" lol.


SMS Joke for Today:


Teacher: Who can give an example of a tag question?
Pupil: My Teacher is beautiful, isn't she?
Teacher: Very good! Itagalog mo nga.
Pupil: Si maam ay maganda, hindi naman di ba?

Wednesday, June 20, 2007

10 Types of Suitors

1. Mr. Gwapings
>> mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie
>> ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kumbaga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
>> linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo."! Tanga ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
>> eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nasan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it
>> pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman
>> dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o kaya "ang kinis kinis mo...flawless" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

7. Mr. Good Dog
>> eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

8. Mr. Anonymous
>> motto nya ang "action speaks louder than voice". wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga.

9. Mr. Second chance
>> sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin, "Please give me a second chance"

10. Mr. Romantiko
>> jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin".

Tuesday, June 19, 2007

BOOK: Why Men Marry Bitches: A Woman's Guide to Winning Her Man's Heart

browsed this book at National Bookstore while waiting for a friend.

curious ako malaman ang buong katotohanan at pawang katotohanan lamang ... Why Men Marry Bitches samantalang pagkakaalam ko eh isa akong certified bitch, pero bakit di pa ako pinapakasalan? lolz!

this is a self-help paperback that looks like a must-read for every single who is in the dating world. the book include numerous relationship principles (RELATIONSHIP PRINCIPLE# 5 - Don't believe what anyone tells you about yourself. Sophia Loren said, "Beauty is how you feel inside, and it reflects in your eyes. It is not something physical." This is what makes you gorgeous to a quality man, because now you arrive complete. And that makes him say, "Gee, I wonder, what is that special magic she got?")

gusto ku sana mapasaakin itung libru na tu kaso wa ku afford. so nagtiyaga ako sa pa flip-flip ng mga pages nya habang nakatayo. at nakuntento sa review rin ng isang author na si Barbara Rose,PhD:

"I really like this book! It's a great read, no holes barred, tell it like it REALLY is book, and it's the TRUTH!

Who YOU are, what you love, your individual preferences and your backbone to dare to have the courage to be and express yourself EXACTLY as YOU want to, gives you the backbone, and the real inner confidence that is essential to a relationship - that you CAN LIVE WITHOUT - so you never buckle under and compromise your truth and dignity for anyone, ever.

Also, you're not NEEDY, you are LIVING and being just who you are, and if he doesn't like it, then he can buy a doormat at the local auto supply shop.

It takes GUTS and tremendous SELF LOVE to really be yourself, and feel complete solo - then a surprising thing happens, because you don't need, you receive! And He receives the best too, once you know who you are, and what you're REALLY all about, you'll have the confidence that can sustain a great, EQUAL relationship.

The key here, sisters, is that he has to win YOU over. YOUR GENUINE CONFIDENCE AND BEING YOUR REAL SELF IS THE KEY!"


"petiks" moment

I was in Glorietta yesterday to meet an old and new friends.
The book bargain sale at the mall caught my attention and took away my 2 hours.

Went home with this:


SINGER Sewing For The Home = P140.00
The LITTLE BIG BOOK for BOYS = P140.00
How to be a Successful Housewife/Writer = P90.00
ME Time = Priceless!

My Ate Ellen from Canada sent me a portable sewing machine... just in time for my newly purchased sewing book. I'm so excited that i'll be able to show off my sewing prowess once again. Bah, skilled ang lola! Bongga!




Monday, June 18, 2007

LSS Of The Week

eto ang LSS (last song syndrome) of the week ng lola nyo.

SOMEDAY (by Nina)

Someday you'll gonna realize
One day you'll see this through my eyes
But then i won't even be there
I'll be happy somewhere
Even if i can't.

I know
You don't really see my worth
You think you're the last guy on earth
Well i've got news for you
I know i'm not that strong
But it won't take long
Won't take long

Coz someday, someone's gonna love me
The way, i wanted you to need me
Someday, someone's gonna take your place
One day i'll forget about you
You'll see, i won't even miss you
Someday, someday

But now
I know you can't tell
I'm down, and i'm not doing well
But one day these tears
They will all run dry
I won't have to cry
Sweet goodbye.

Sticker Sign

habang nagpapa-gas si utol ng car sa isang shell station eh na-amuse ako sa nabasa kong to. di ko alam kung para kanino patama tong sticker na nakadikit sa booth ng cashier. para kaya to sa mga motorista para matawa at para hindi mainip habang nagpapakarga ng gasolina? o guidelines para sa mga nagbabalak mangholdap sa kanila?

"Barya lang ang natitira sa kaha" - eto iisipin ko kung ako ang holdaper, "utot nyo! bolahin nyo lelang nyo! dehins yan true! baryabols man yan eh pera pa rin yan noh. at libo-libong barya pa rin yan."

"Wala sa istasyon ang susi ng kaha de yero" - abah! at may pa-puzzle pa ha! hmmn.. nasa CR kaya ang susi? more clues naman diyan!

"Ang istasyong ito ay protektado ng videocam 24 oras" - eh di magmamaskara ako o magsusuot ng bonnet! problema ba yun? kuuu!!!!

laking tulong netong sticker sign na to sa mga masasamang loob para pagandahin nila lalo ang pagpaplano ng panloloob.

Usapang-Utot

Wala pa ako nakitang tao na nagtakip ng sarili nyang ilong dahil sa diring-diri sya sa sarili nyang utot kahit ang amoy ng masamang hangin na yun ay parang tear gas ang epek sa naka singhot. uu, yung tipong pag naamoy mo eh maluha-luha ka talaga sa bagsik ng tama. fully-concentrated baga.

pag nagtakip naman sya ng ilong that means hindi sa kanya yung toxic gas na yun. Pwera na lang siguro kung nasa public place at kunyari ayaw ng salarin ang mabisto na sya ang nagpasabog sa pamatay na bomba kaya cover-the-nose na rin ang akting-aktingan nya.

Tapatan na to … gustong gusto ko lahat ng amoy ng utot ko. Gustong-gusto ko to the point na ipinagdadamot ko sya at ayaw ko talaga i-share sa iba ang amoy. Burn me in hell kung nagsisinungaling ako sa sinasabi ko.

Ano ba talaga kahalagahan ng utot o pag utot mula sa katawan ng tao? Tsaka bakit nga ba nauuna lagi ang pag utot bago umebs? Pasintabi na po sa mga kumakain habang nakikibasa neto.

Minsan ko na nabanggit sa chatroom ang tungkol sa sarili kong pagkakaintindi sa kahalagahan ng pag-utot based sa experience ko. Sus, pinagtatawanan lang ako noon ng mga manyakol sa wento ko tungkol sa utot. Hindi ko alam ang medical explanations pero alam ko ang utot ay maraming Benefits. Hehehe!

Nung nanganak ako sa mga kiddos ko via ceasarian operations, dun ko napansin na mahalaga pala ang utot o pag utot ng tao. During recovery kasi … pagnag ra-round yung doctor sa kwarto ko o kaya tsine-tsek ako ng nurse… lagi ang tanong: “maam, umutot na po ba kayo?” o kaya, “maam, nag popo na po ba kayo?” di ko naman maitanong kung bakit ang kukulit nila sa pag utot ko o pag ebs? parang ginto ang turing nila. napaka importante.

Kakainis kasi di pa yata ako papayagan noon umalis ng ospital hangga't di lumalabas ang mahiwagang utot ko. Eh ang hirap kaya umutot pag hindi ka busog tsaka papano naman ako mabubusog eh soft diet meal ang binibigay sa akin dun sa ospital at aysus… walang kalasa-lasa talaga.

Inisip ko na lang na baka kaya importante sa kanila ang utot ko ay dahil sa:

  1. ang utot ang makakapagsabi na normal na ulit ang sistema ng katawan ko at makakahinga na ang doctor ng maluwag dahil sigurado na sya na walang scalpel, gunting, tuwalya, o kaya hand gloves na naiwan sa loob ng tiyan ko nung inopera nila ako.

  1. ang utot ko ay isang senyales na maayos, mahusay at organisado ang pagka arrange nila ng mga laman-loob ko gaya ng small at large intestines ko pagkatapos nilang hugutin ang baby sa tiyan ko;

  1. Pag lumabas ang utot ko sa wetpaks, ibig sabihin nun walang singaw at maayos ang pagkasara ng hiniwa sa akin. indikasyon din yun na maganda ang pagka cross-stitch ni doktora sa puson ko at hindi minadali. otherwise kung di maayos ang pagkasarado eh baka dun sa puson ko dumaan ang singaw ng utot ko. lol.

Sa kaiisip ko, napa-i-therefore-conclude tuloy ako na parang anak na rin pala ang utot.Kahit anong itsura ng anak, para sa ina…walang pangit na anak. Lahat ay maganda at gwapo.Ganun din ang utot. Kahit anong bagsik ng ibinuga mong hangin basta galing sa sarili mong wetpaks eh di ka nababahuhan bagkus bangung-bango ka pa nga sa pag amoy. may logic di ba?

Gaya ng pagmamahal ko sa mga sariling kong anak ….mahal ko na rin utot ko…unconditionally. unconditionally daw o!

Sunday, June 17, 2007

SMS Jokes For Today

3 girls make paalam to dad.
GIRL1: dad,i'm going out with PETE to EAT.
GIRL2: i'm going out with LANCE to DANCE.
GIRL3: i'm going out with REX to...
DAD: ah, hinde!!! Dito ka lang!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BEAUTY PAGEANT
Judge: What if you find out your boyfriend has AIDS, what will you do?
Contestant: I will still love him. (Everybody claps) ..... because AIDS doesn't matter!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Joke: "69"
BF: mag 69 tayo dear!
GF: ano yun?
BF: ganito lang! (Pumwesto na sila at biglang nautot ang boy ng 4 na beses)
GF: ayoko na! DI KO NA KAYA YUNG NATITIRA PANG 65!!

Friday, June 15, 2007

Ang Pagmamahal Ng Isang Accountant

Ang pagmamahal ng isang ACCOUNTANT ay hindi nagde-DEPRECIATE.
RELIABLE regardless of the face and looks dahil ang prinsipyo nito ay laging SUBSTANCE OVER FORM.
COMPLETE, yung tipong wala ka ng hahanapin pa kasi marunong mag ADJUST.
Nagbibigay ng
ALLOWANCE at sa lahat ng ginagawa nya, yung mahal nya ang laging PREFERRED... laging inuuna.
Palaging meron appropriate
DISCLOSURE para ipakita sa buong mundo ang tunay na pagmamahal.
Kung may samaan ng loob, nara-
WRITE OFF kaagad, kung me tampuhan, nao- OFFSET ng pagmamahal.
Yung mga nakaraan, iyakan at lambingan, nake-
CARRY FORWARD sa next FISCAL YEAR.
Ang pagmamahal ng isang
ACCOUNTANT, it keeps no RECORDS of wrong dahil merong REVERSAL of forgiveness at CORRECTING ENTRY kung kailangan.
Kung meron man fortuitous event dahil sa third party, anjan parin ang pusong nakahandang mag-
AUDIT dahil ang partnership nila ay based on TRUST and CONFIDENCE.
Sumusunod sila sa
IFRS pagdating sa lambingan dahil ang bawat isa ay marunong tumupad sa sinumpaang... none will commit the ACTS DISCREDITABLE to the PROFESSION.
Ang bawat detalye ng suyuan at tagpuan ay naka
RECORD sa WORKSHEET ng diary at handang ipahayag for the sake of TRANSPARENCY.
Kahit wala ng pera ang bawat isa, they still say that the
FINANCIAL STATEMENTS PRESENTS FAIRLY at FREE OF MATERIAL MISSTATEMENT.
Higit sa lahat...
GOING CONCERN kung magmahal... panghabang buhay.

Wednesday, June 13, 2007

ME Time

i'm
currently
having
my 2-weeks
much
needed
hiatus
in manila.
I call this
my
ME
time.
no kids...
no worries...
no problems...
just
me
and
myself.

Monday, June 11, 2007

SMS Jokes For Today

Mr. World Q & A
JUDGE: "To what animal do u compare your penis?"
GERMAN: "Lion! It's strong!"
AMERICAN: "Girraffe, coz it's long!"
PINOY: "Mouse!"
JUDGE: "What? Why mouse?"
PINOY: "Mouse are chased by pussies!" (applaused! standing ovation!!!)
The pinoy won.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

GF: "hon..you know what... u have a body of a god!.."
BF: "oh yeah? you really think so? which god? Adonis? Zeus?"
GF: "no.. Buddha!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

INA: "Ikaw na bata ka! pumunta ka nga ba sa gay bar?"
ANAK: "Opo"
INA: "Ano ang nakita mo dun na hindi mo dapat makita?"
ANAK: "Si itay po...ang landi! Tumitili pa!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Advantage at Disadvantage ng may asawa:
Advantage: Pag kailangan mo nandiyan na agad.
Disadvantage: Pag ayaw mo na, andiyan pa din!

Saturday, June 9, 2007

no offense meant

di pa man ako nakakapaghilamos at nakakapagkape kaninang umaga eh eto na ang tumambad sa friendster inbox ko.


















hindi na bago sa akin mga ganitong messages mula sa friendster o YM. aktwali, pinang-aalmusal ko na ang mga ganitong klaseng mensahe mula sa kung sino-sinong caricature dito sa cyberworld. eh panu ko ba hina-handle mga ganitong "wholesome" na messages? wala lang....kadalasan pag wala akong regla eh dedma lang ang lola nyo. di ko naman masisi ang mga manyakol ... kasalanan ko ba kung kapa-kapanabik alindog ko? nyahaha! taray ng lola!

may kasabihan na, "he who angers you...conquers you". i choose not to get angry kasi wiz ko rin type magpa-conquer.

mabalik tau dito sa yagbadoodles kong ka-friendster. may kalabuan na mata ko kaya i click enlarge the image of my early morning internet romeo. at sinilip ko na rin profile nya. at dito parang gusto ko magalit sa nakita ko:

eto sya...

Male, 34, Married

Interested In: Activity Partners
Member Since: Oct 2003
Location: Philippines
Hometown: makati
Last Login: 24 hours
Anthony's URL:
http://www.friendster.com/2930224

BWAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!!!...wala lang...natawa lang ako.

o nga pala, anthony parekoy... ano ba yung one night stand? yun ba yun sex na kelangan nakatayo lang? di ba tayo pwede mahiga? yari mga varicose veins ko nyan sa legs kung saka-sakali. tsaka pwede ba gawin sa araw ang one night stand na yan? yaan mo pag isipan ko kung papayag ako. abangan mo at ipa-publish ko sa newspaper kasagutan ko para naman mabasa din ng misis mo. wahihihi!

may paunawang "no offense meant" na agad ang tanong mo. eh kasi anti-mano alam mong malisyoso na ang tanong. don't worry di ako offended. na offend ba ako? hindi noh! sabi ng hindi eh! eto nga at binigyan pa kita ng espasyo dito sa blog ko na pula. offense ha ... offense my butt!

Friday, June 8, 2007

lalaki nga naman ...

i am beautiful ... no matter what they say

weeeeeeeeeeee!!!!! naknampating! na miss ko tong lalaking-batedor na to. sobra! papano ko ba makakalimutan ang mokong to eh minsan na neto pinaramdam sa akin na isa akong dyosa NOON! dyosang pugot ang ulo nga lang! nyahaha!

naintriga yata sa akin to nung minsan nag-angas ako at sinabi kong i am a woman that can wreck havoc in everyone's libido...that i possess a charming beauty that makes testosterone and estrogen dance like a lighted watusi. hahaha! nadala yata sa eklat ko noon!


sa pagka-describe (read: sipsip) nya sa akin dito sa sulat nato...sus!
tsura lang ng mga sought-after sex symbols sa pelikula. dyosa-dyosahan agad ang feeling ko nung nabasa ko email nya way back year 2005 pa. uu, tagal na at may lumot na nga nung binuksan ko eh.

Si
Azrael tinutukoy ko...ka-tropa ko dati sa yahoo user room na SGL (Showgirl's Lounge) .

kakagulat kasi nagkaroon yata kami ng... ano nga ba tawag dun,... ahhhh mental telepathy ... mental telepathy ba tawag dun? yung apparent communication from one mind to another? o baka coincidence lang din. kasi the other day lang habang depress-depressan ang lola nyo with matching pa-cry cry ay naisipan ko pagdiskitan na maglinis ng bumubulwak na subscribed emails sa inbox ko (na puro porn clips lang naman ang laman from adult yahoogroups) eh nabasa ko ulit yung email ni ka-tropang Azrael sa akin. tapos ngayon, anak ng pekpek! eto, from out of nowhere eh biglang nagparamdam sa tagboard ko ang burat na to. hmmn... teka, post ko na nga lang ang tinutukoy kong letter para mabasa nyo.

huyyy Az, welkam back to blogosphere nga pala. sana di ka na ulit sumpungin ng katamaran.

From: "sgl_azrael"
Date:
Sun Feb 20, 2005 3:26 am
Subject: ABOUT A GIRL.....

there's this girl i recently had the chance to have a nice conversation with. she's kinda popular. all the horny toads know her, she's a regular at the SGL room, and her recorded cam clips are played in everyone's pc media player before goin' to sleep, after hitting the shower, and in between acts that involve a man's hand reaching for his jewels for god knows why.

it took me quite a while to find the guts to actually send her a private message. im not the PM type of person, but my gut feeling told me that this is the chance i have been waiting for. opportunity knocked, and i grabbed it. lol. it wasn't intended to be a long conve really.. i only wanted to ask a couple of questions cos i found out, that this girl is actually living near my place! i wanted to ask questions like, "saan ang bahay mo", "ano tunay mo pangalan", "sino kilala mo sa subdivision", "ilan aso nyo", "san ka bumibili ng pandesal", "pwede ko ba sungkitin panty mo sa sampayan nyo", "ano oras ka dumadaan sa phase 3 para maabangan kita", etc... (sa awa ng dios ni isa sa mga tanong ko di sinagot amp!) lol.

i can't recall what i might have said that time, all i can remember was it was by far, the most challenging first time pm in my entire chat life. i am a very funny person, always fools around in the room and makes fun of people i know in a nice kind of way..BUT! her replies to all my messages had me bowing down my head in disgrace.. i thought i was funny, but her humor made me think otherwise (panis ako taena...nagmukha akong corny lol.) that short exchange of massages about 20-30 mins long, had me gasping for air in awe. disbelief and amusement. man i was impressed!.She's not only smart...she is very intelligent! and way too clever for my pick-up lines (not that i wanted to hit on her, its the other way around) lol.

she has everything a typical wanker would want in his imagination, while in the act of self-gratification. a yummy body, flawless skin, nice set of rack, flirtatious tongue, inviting lips, pretty eyes (isa ako sa mga pinalad na makita face at mata nya lol!) and a fearless attitude. but then again, there are a few women who are also like that.

you see, this intrepid girl is a RARITY (endangered specie na yan, jurassic baga lol). she is one of a kind. the only one i know of that combines allure, beauty, intelligence and sexual charm and prowess. who wouldn't be honered to have this girl as a friend. i would be...

the only question is ... HOW?..

hours passed..a day passed... thoughts lingered thru my head... was i a complete failure that time? or was i able to make a nice impression on this girl?.... i said to myself.. well..fuck it! wether i made good or not, i dont care... i wouldn't care... and hell... i shouldn't care...for this is just a chatroom, the internet, the virtual world.. no one would seriously take what i had to say.. it was just an invite for friendship in it's truest form. kung ayaw eh di wag nyahahhaha..

and then... (DRUM ROLLS)..............................
DYARAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!

she posted on the SGL site..this site..:D

after reading what had to say.. it made me smile...bigla ako na shy.. i swear to god, namula ako nun! lol it was a very genuine letter she posted, it humbled me and made me realize that.. hey.. internet or not.. people make friends here..

so, to MARUJA.. let me tell you this.. I AM HONORED TO BE YOUR FRIEND. virtual or in the real world, you have made a nice and lasting impression on me. and i hope, in ur eyes, i did too. CHEERS TO U TIKTIK! you are one of a kind! and in behalf of the whole gang at SGL. we bow down our heads, and thank you for your presence and support. YOU ROCK! and SGL ROCKS WITH YOU!

to all guys..may this be an example, a challenge, an inspiration..we should learn to see a teaser, not only thru our eyes and sex organs.. BUT ALSO THRU OUR HEARTS and MINDS..

PEACE EVERYONE..

AZRAEL

o di ba, ang haba-haba ng hair ko? parang gusto ko tuloy kumanta nung You're Beautiful song ni James Blunt: "You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place, and I don't know what to do..." (with kilig factor).


Thursday, June 7, 2007

SMS Joke For Today + Funny Toons

ANAK: "'Nay, bakit VICTORIA name ni ate?"
INAY: "kasi anak, dun namin sya ginawa ng tatay mo."
ANAK: "Eh bakit si kuya...ANITO?"
INAY: "Hayyy tumigil ka nga LUNETA! Tawagin mo si Kuya FX at kakain na!!!!"

i have realized that...

Wednesday, June 6, 2007

me and my god

nasa kangkungan sarili ko ngayon. aktwali pabalik balik na ako dito sa kangkungan. di na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. minsan nga gusto ko pumirmi na lang dito kasi dito yata ako nababagay eh. kaso di pwede...kelangan ko umahon at umayos. mag astang cool kunyari. di naman maiintindihan ng mga anak ko pag nagpirmi ako dito sa kangkungan kasi wala naman silang alam na lugmok ako ngayon... broken-hearted baga dahil sa nainlab nanay nila.

tigas din naman kasi ng mukha ko. di na natuto. paulit-ulit nagtiwala ... naniwala ... ang tagal ko rin umasa ... umintindi ... nagbakasali ... sumugal ... binuhos ang loob ... ngangarap ... pero sowsssssss ... eto ... ang ending eh sa kangkungan rin lang pala ako pupulutin. ang hirap talaga magmahal ... pag binalewala ka ng taong natutunan mong mahalin ... tangay tangay halos buong pagkatao mo. naiiwan kang wasak ang kumpyansa sa sarili. di halos makatayo at walang gana sa lahat ng bagay. sa umaga pa lang, eh luha na agad ang pinanghihilamos. sa gabi naman, pampatulog eh luha pa rin. kakapagod. ang sakit sa mata. monochromatic bigla ang tingin sa mundo. walang kakulay-kulay ang paligid.

i'm not a religious type of person but i do pray. kaso minsan naiisip ko, maybe i'm praying to a wrong god. or does He really hear me pray? whenever i talk to my god...sincere naman ako makipag-usap sa Kanya...i even say it aloud para marinig talaga. lagi ako nakikiusap na sana i-guide Niya ang daan ko para naman para hindi na mapunta sarili ko sa kangkungan. pero di yata ako malakas kay god a. papano ba ang sumipsip para maging malakas kapit ko sa Kanya? kelangan ba Niya ng redtape o suhol para maging pabor sa akin ang mga pagkakataon?

i don't have bags of religious tricks at kung meron man ano ang dapat kong gawin para naman maging wagi ako paminsan-minsan? nakakapagtampo. anak din naman Niya ako at di naman ako nagpapaka-spoiled brat pero bakit simpleng request at pangarap lang di pa ako mapagbigyan ni god. palakasan ba talaga?

pero di ako susuko. kasehodang isa-isahin ko pulutin ang gutay-gutay kong sarili para mabuo ulit for the nth time... kukulit-kulitin pa rin kita god.


sabi nila lahat ng pangyayari sa buhay masama man o mabuti ay may katumbas na rason o dahilan. di naman kaya nagpapaka boba lang ako at di ko lang napapansin na ang mensahe pala ni god kaya andito ako sa kangkungan ngayon ay para... magnegosyo na lang ako as bigtime kangkong dealer???

Sunday, June 3, 2007

Men Most Common Sexual Turn-Off In Women

nagka-tsikahan kami kanina ng isang long-lost college girl friend ko sa YM. nalungkot ako kasi di pala sila nagkatuluyan ng bf nya for 8 years. haysss... akala ko pa naman eh sila na talaga magkakatuluyan kasi they look so perfect couple talaga.

nways, dami nga naman nilang issues sa isa't isa ang hindi ma-resolve kaya minabuti nilang maghiwalay na lang. related sa topic ko ngayon ang isa sa naging cause ng break-up nila.


1. Women should not behave as if they hate sex.
- sex is one way that a man may express his feelings and their vulnerability to the women they love. kaya hate ng mga lalaki ang pakiramdam na parang pinagbibigyan lang sila ng pabor kaya nakikipagtalik ang girl sa kanila.

girls, tama na yung arte o iwasan na yung drama o chuva na kesyo di ka naman pokpok para ganunin ka. ayaw ng mga lalaki yung pakiramdam na parang nanggagamit lang sila. eh di naman sila hayup noh? nakakawala nga naman yun ng dignidad at pride para sa kanila. sino ba naman ang di mapapahiya pag may mga side comments ka pa o kaya resistance habang na
kikipagtalik sa kanila. siempre frustrating yun. pag ganun ang arte at ugali mo sa dyowa mo pagdating sa sex... ikaw din, walang sisihan pag naghanap sila ng iba.

2. women who never initiates sex.
- hindi manghuhula ang mga lalaki o mind-reader. kaya pag nag iinit ka at type mo makipag make-love sa partner mo then GO sister! at wag mag alinlangan! maniwala ka, gusto rin ng mga lalaki yung paminsan-minsan inuunahan sila sa pangangalabit o kaya nilalambutsing.
kung gusto mo ipaalam sa dyowa mo na accepted mo sya then wag ka na magpakipot. ora mismo, dambahin mo o kaya isalya mo sya sa kama. nyahahaha! (sampalin mo pag pumalag! joke!!!!)

3. women who are unresponsive in bed.
- josko! eh sino ba gusto makipag sex sa taong masahol pa sa malamig na cadaver? Love is a two-way street. its important that u do your share so as in a passionate love, romance, lovemaking or whatever you may call it to keep the flames of passion come alive. eh kung dedma lang reaction mo sa sexual activity nyo eh mas mabuti pang umahon ka na lang jan sa kama nyo at mag cross-stitching ka na lang for the rest of your life.

4. women who talk too much during sex.
- some men are turned on if women talk dirty during sex. pero kung nagsasalita ka na tipong tsini-tsismis mo yung kasalukuyang hiwalayan nina ruffa at yilmaz bektas habang nakasampa sa yo ang partner mo, aba eh nakakawalang-gana nga naman yun sa lalaki.

5. women who don't care about their looks
- oo na, beauty is in the eye of the beholder. pero ang tinutukoy dito ay kung panu mo iprisinta ang iyong katawan sa dyowa mo. kelangan maging neat and clean ka in all ways. ibig sabihin nyan eh maghugas ka ng fekfek mo. nyahahhaa! standard rule na yan at itinuro na yan sa atin ng mga magulang natin mula pa pagkabata. kung wala kang pakialam sa sarili mo eh ibig sabihin nyan ay di mo nga mahal ang sarili mo.

6. women who are over concerned with their looks.
- kabaliktaran naman to ng number 5. girls, ayaw ng mga men yung babaeng obsess masyado sa itsura nila. baka naman pati sa lovemaking nyo ng partner mo eh kontodo alahas ka pa sa katawan. alisin na ang mga garnishing na yan sa body at baka mamaya eh matigok pa yung partner mo dahil nalunok na pala yung pendant ng kwintas mo. nyahaha!

for guys, girl's natural beauty is better. baka naman kasi naka make-up ka pa. buti sana kung may flavor yung foundation make-up mo sa face habang hinihimud ka ng partner mo. hahaha! mga lovescenes sa pelikula lang po maganda tingnan na yung girl eh naka-make up.


7. women who have no sense of humor.
- men are so hard on themselves, feeling pressured to always do the right and to be responsible. therefore, men need a little laughter to lighten up themselves. mga sisters, kelangan meron ka neto para pampagaan o pampawala baga ng tension sa mga dinadala ng mga kalalakihan natin sa araw-araw.

8. superficial women.
- women with superficial values turn their men off. eto yung mga klase ng mga kababaihan na may kababawan, wala ibang inaatupag kundi ang sarili at wala ng pakialaman sa mga nangyayari sa kapaligiran. di mo naman kelangan maging intellectual o may mataas na edukasyon. pero hindi rin nila kelangan ang mga babaeng makasarili, self-absorbed o superficial.

9. women who are proud and boastful.
- this is an opposite of the above. eventhough men are proud of smart women, ayaw naman nila nung too smart women. they hate women who are boastful in just about everything... mapa-career man o sa looks nila. dehins type ng mga hombre na inferior sila noh.

10. women who talk about past lovers.
- comparing your current boylet to your past lovers is a big no-no! men doesn't want to hear anything about your past or which men you've been before. mas lalong wala syang pakialam kung mas malaki etits ng ex-bf mo!!! wahihi!

11. women who wear dirty, old, and ugly underwear.
- kapatid, itapon mo na yang mga funties mong nauso pa nung panahon ng lola mo. wag na wag magsusuot ng mga long-sleeved funties...yun bang halos abot hanggang dibdib sa laki pag isinuot mo. eto ha, makinig ka. wala pa akong nakilalang mister na umangal sa mga misis na mahilig o maluho sa pagbili ng sexy undies and lingeries. eh kasi para din naman sa kanila yun noh... para maging appealing. aktwali, di naman kelangan maging mamahalin ang undies mo...basta ba maganda at malinis eh ayos na yun.

12. women who aren't sexually spontaneous.
- men want spontaneous sex, that one which is not planned. the biggest complain most men say about their sex life are when their mates always make a big deal each time they make love. nakaka turn off daw yung maraming excuses. di naman kasi lahat ng panahon eh may energy ang mga lalaki for a major seduction. kumbaga dapat ready beauty mo sa mga quickies at dapat bukas isipan mo sa mga hindi inaasahang sumpong ng pagkalibog ng dyowa mo. basta ba wag nyo lang gawin sa gitna ng daan kasi....baka magka trapik. lols.