Thursday, May 31, 2007
SMS Jokes
marami sa mga chat buddies ko ang nagkagusto, naaliw, at natuwa sa mga collection of sms jokes that i post here paminsan-minsan. lalo na yung mga kababayan na nasa ibang bansa... kahit papano daw eh napapangiti sila habang nagbabasa.
since layunin ko rin ang isulong ang world peace (nyeee! ano daw?) eh eto nag ipon ako ulit ng mga forwarded sms jokes sa akin galing kina: flash, wow_kalabaw, unoprimero, at silentnewbie.
heto, naway makatulong ang mga jokes na to sa pag unlad ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. lols.
3 prostitute nag usap-usap...
PROSTI1: "mare, hirap buhay ngayon P200 lang kuha sa akin."
PROSTI2: "sa akin nga P100 lang eh."
PROSTI3: "ako nga libre BJ may maisubo lang sa araw-araw."
~~~~~~~~~~~~~~~~
GIRL1: Nakipag break ka na raw sa bf mo?
GIRL2: Oo, hindi kasi marunong humalik at di lang yun, isang style lang ang alam, di ko ma-feel!
GIRL1: ANong style ba alam ng bf mo?
GIRL2: Flying Kiss!
~~~~~~~~~~~~~~~~
GIRL: Hayop ka!!! Pagkatapos mo ipasubo ay pa-blow sa akin...ipuputok mo pa sa mukha ko?
BOY: Hindi ko na mapigilan eh...
GIRL: Bili ka ulit ng....plastic balloon.
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Quotes!"
"Quotes!"
"Quotes!" -Manny Pacquiao (tinatawag si Freddie Roach)
~~~~~~~~~~~~~~~~
10 Utos Sa Sex:
1. Bawal umaray.
2. Kaylangan nakahubad.
3. Alang timeout, nakakabitin.
4. Dapat biyaheng langit.
5.Pwede umungol sa sarap.
6. Dapat higit sa 3 ang style na kaya mo.
7. Wag magmamadali, dahan dahan lang.
8. Bawal gawin sa maraming tao.
9. Wag tumigil hanggat di nasasagad.
10. At higit sa lahat, kailangan labasan.
~~~~~~~~~~~~~~~~
TEACHER: Wat do you call a person who keeps on talking even when people are no longer interested?
PUPIL: A teacher!
TEACHER: Hahahaha! Get one whole sheet of manila paper! Long Quiz!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Punchline of the Day:
may batang lumapit sa akin. sabi nya: "ate gusto mo ng balde?". nagtaka naman ako dahil di naman ako nag iigib ng tubig at kanyang winika:
" umaapaw kasi ang karisma mo!" hehehe!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Isang negrang bata ang binigyan ng pakpak ng isang fairy, tanong ng bata:
"Ibig sabihin po ba neto angel na ako?"
Fairy: "siempre hindi! negrang to ambisyosa... PANIKI ka!"
~~~~~~~~~~~~~~~~
Lalaki umuwi at nakita ang wife na naka sexy lingerie.
WIFE: "itali mo ko tapos gawin mo ang nais mong gawin."
Tinali ni lalaki ang wife tapos...
nanood ng PBA. hehehe!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Isang pinoy ang nag propose sa pinay na minamahal. Upang mapasagot ang girl pinaghandaan ang sasabihin...
BOY: "will u be my wedding?"
GIRL: "hahaha!"
BOY: "what's laughing?"
GIRL: "wrong gramming!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~
A rich widow was looking for for a husband who: won't beat her up, won't run away, and has to be great in bed. Hundreds applied but no one qualified. One day, her doorbell rang and she saw a man with no arms and no legs lying on her welcome mat.
WOMAN: "What do you want?"
MAN: "I'm the man you are looking for. I won't beat you up coz i have no arms and i won't run away coz i have no legs."
WOMAN: "What makes you think you're great in bed?"
MAN: "So, ano sa tingin mo ang pinang doorbell ko?"
-taray!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~
ang mga sumusunod ay mga kontribusyon nina:
inxs_27 (5/24/2007 2:49:12 PM):
Sa seminario:
Madre: "Father, pagsabihan mo naman yung mga seminarista. Umiihi sila sa pader!"
Father: "Sister naman. Maliit na bagay, huwag mo nang pansinin!"
Madre: "Naku, Father, malalaki po!"
f34rl355xcl4nl355 (5/24/2007 2:44:49 PM):
Priest: ang mga bakla'y walang lugar sa kaharian ng langit .
Mga bakla: Hay naku, father..dun na lang kami sa rainbow mag slide-slide! !!
f34rl355xcl4nl355 (5/24/2007 2:39:00 PM):
Hating-gabi, hot si misis. Haplos niya ilong ni mister, kiliti niya sa leeg, saka bulong malambing sa tenga.
Misis: "Love, ala na ko panty."
Mister: "Huh! Cge, tulog na, bukas ibili kita."
f34rl355xcl4nl355 (5/24/2007 2:37:35 PM):
Pilipino Home version of Who Wants to Be a Millionaire:
Husband: dear, puede ka ba ngayon?
Wife: di puede, pagod ako!
Husband: is that final?
Wife: FINAL!!!!
Husband: Ok. Can I phone a friend?
Wednesday, May 30, 2007
basang panaginip
i had sex last night. almost.
yes virginia! finally i almost had sex again ... in my dream!
gosh! we're petting...
we're hugging...
we're kissing...
and my partner? deym!... such a good kisser daw.
ganda ng katawan.
matikas.
hanef!
eyelabit!
makakarating na sana ako.
ayos na sana kaso biglang may blooper.
i dreamed ... having intimate moments not to an opposite gender kundi sa kapwa ko babae! may fukengkeng! wahhh! badtrip! kaya pala wala akong maramdaman na matulis habang magkayakap kami. lols.
resulta yata to sa pagtutok ko sa tv watching the Miss Universe 2007 beauty pageant kahapon at sa sandamakmak ng mga lesbian girlfriends sa friendster account ko. nanaykupo! natitibo na rin yata ako.
may kasabihan baliktad daw ang mga panaginip. ang ibig sabihin kaya neto eh lalaki ang makaka-siping ko talaga?? in real?? and will that be soon?? yeesssss!!!!! madidiligan na yata ng suka ang uhaw na lumpia! lol.
Monday, May 28, 2007
goodbye friendster... hello blogger
ang sarap din sa pakiramdam ang makita ang bagong anyo ng bahay este blog ko. exciting ang mamili at mag ayos ng layout. naka ilang palit din ako bago nakapag decide. parang bagong bahay nga talaga. partly mababasa mo na rin ang katauhan ng isang blogger sa choice ng template at layout ng blog nya. o anong say nyo sa kulay-regla na pinturang nangingibabaw dito sa bagong bahay ko? nagmumura sa kapulahan! nyahaha! parang hot na hot ang me-ari a!
sinama ko na rin sa paglipat ko dito ang dalawang kapitbahay ko sa blogging na sina Jon Cabron at DEFPOTEC. hehehe! tong dalawang betlogins lang naman kasi ang nagtiyaga mag link sa akin sa blog nila sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko sa dun Friendster. uu, naka 2 taon din akong nanirahan ng libre sa Friendster. at ang hirap pag nakikitira ng libre. di ako masyado makagalaw dun dahil sa maraming limitasyon. ni hindi ako pwede magdagdag ng bagong kagamitan sa loob o kaya palitan kurtina ng blog ko . eh siempre nakakasawa din ang puro ganung ayos na lang noh. kelangan magkaroon din ng pagbabago. variety is the spice of life ika nga.
well, libre din naman dito sa Blogger pero mas mai- enhance ng konti creativity ko dito at malamang kumita pa nga ako dahil sa pagkabit ko ng adsense. pero kumbaga, pakonswelo na lang naman yung adsense. medyo swapang ang Friendster... sila lang ang pwedeng kumita dun sa blog ko. hehehe! but fore sure, i'll be missing my old home.
ano kaya magiging buhay ko dito sa bagong bahay ko? sana dumami pa kapitbahay ko.
Saturday, May 26, 2007
what becomes me
times like this nakakapag wish ako na sana maisip man lang ako ng dalawang choromosome donors ng mga bagets ko. kaso sigurado din ako na malabo pa sa imburnal ang maisip nilang magpadala ng sustento sa akin. susmaryosep! baka nga malaki pa ang chance na umulan ng snow dito sa pilipinas kesa magkaroon sila ng konsensya na tulungan man lang ako sa pagpapa-aral ng mga bata.
graduating na ang dalawang bagets ko. next year matatapos na ng high school at elementary si kev at ziah. hayss...sana bulagain ako ng mga tatay nila at tumulong kahit magpadala man lang sana ng pambili ng intermediate pad o kaya lapis na mongol. eh ayos na rin yun kesa wala. pero kung hindi naman eh ok lang at wala akong magagawa. (IPISIN sana mga bayag nilaaaaaaa!!!*%^&!?$!#@)
"child support"? such a sweet but strange word for me. the punishing lashes of its absence from my children respective dads have thought me how to face the world with strength, toughness and wit. it's i who fixes literally ALL the problems (that includes, electrical, plumbing, etc.) and i lift things that nobody can for us. i have been forced to protect my kids and myself because if i dont, no one will. i have learned that i have to stand my ground because if i don't, others will sweep me away. i do all the things a "father" is supposed to do. it's even i who decides on difficult problem.
kunsabagay, maybe i ought to thank them for throwing me into a situation where i am forced to fend for myself and develop my potentials. pero di ko yata sila mapapatawad ever for not being there when my children needed them most and for corrupting the times that could have been for them. sabi ko nga kahit wag na ako ang isipin...yung sa mga bata na lang sana. awww!! biglang emote ako a! lol!
nanalamin ako kanina lang. syet! napansin ko nagiging kutis-betlog na ang mukha ko. sa katitipid ko eh di na ako nakakabili ng moisturizer ko. buti na lang pinadalhan ako ni prendship Erwin of new york ng Oil of Olay complete moisturizer. mabanat kaya neto ang nagiging kutis-betlog kong face? abangan!
sa kaiisip ko ng solusyon kung papano ko mabubuo ang pang enrol ko ng mga anak ko... pati tuloy pakipag pustahan sa larong Literati sa YM eh pinatulan ko na. nyahahaha! nakalaban ko kahapon si papa J kaso olats naman ako. ang sama pa ng loob ko nung natalo ako kasi kinarir ko talaga yung laban. hahaha.
sa mga panahon na ganito, mahirap man eh kunswelo ko lang talaga ng walang halong istir eh ang mga anak ko. gapang man ang beauty ko eh di naman sayang pagpapa aral ko kasi matitino sila sa school. satisfied ako sa mga grades na nakukuha nila at hindi rin mga pala-absent. infact yung girl ko eh consistent yun na may special award na most behaved at most punctual sa klase. hehehe! sino ba naman ang hindi magiging most punctual eh during school days, tulog pa yata si Lord eh gising na si ziah at 5:15am at naliligo na. wala akong kahirap-hirap sa pag gising sa kanila at may mga kusa.
sa mga kapareho kong magulang... let me share u some of my fave quotes re: raising children; parenthood
"You have a lifetime to work, but children are only young once."~ Polish Proverb
"Don't handicap your children by making their lives easy."~Robert A. Heinlein
"Too often we give children answers to remember rather than problems to solve." ~Roger Lewin
"If you want children to keep their feet on the ground, put some responsibility on their shoulders." ~Abigail Van Buren
"What's done to children, they will do to society." ~Karl Menninger
"In bringing up children, spend on them half as much money and twice as much time." ~Author Unknown
"A child, like your stomach, doesn't need all you can afford to give it." ~Frank A. Clark
"There are no illegitimate children - only illegitimate parents."~Leon R. Yankwich
"When you teach your son, you teach your son's son." ~The Talmud
"The secret of dealing successfully with a child is not to be its parent." ~Mell Lazarus
"Good, honest, hardheaded character is a function of the home. If the proper seed is sown there and properly nourished for a few years, it will not be easy for that plant to be uprooted." ~George A. Dorsey
"The guys who fear becoming fathers don't understand that fathering is not something perfect men do, but something that perfects the man. The end product of child raising is not the child but the parent." ~Frank Pittman, Man Enough
"Smack your child every day. If you don't know why - he does."~Joey Adams
"Give me the life of the boy whose mother is nurse, seamstress, washerwoman, cook, teacher, angel, and saint, all in one, and whose father is guide, exemplar, and friend. No servants to come between. These are the boys who are born to the best fortune." ~Andrew Carnegie
"If you want your children to improve, let them overhear the nice things you say about them to others." ~Haim Ginott
"Each day of our lives we make deposits in the memory banks of our children." ~Charles R. Swindoll, The Strong Family
"There are two lasting bequests we can give our children. One is roots. The other is wings." ~Hodding Carter, Jr.
"Simply having children does not make mothers." ~John A. Shedd
"If you have never been hated by your child you have never been a parent." ~Bette Davis
Thursday, May 24, 2007
TM
...syet! sabi nila smart daw ako. uu SMART ako. SMART ang cellphone provider ko. SMART my ass!
bakit ganun? lumalabas na isa akong TM, Tangang Minamanyak. korni na kung korni. pero pikon na ako sau.
di mo ba nakikita na binibigay ko na sau ang buong puso ko at buong laman-loob ko? pati nga isaw ko gusto ko na ipatikim rin sau. nyeta talaga ang lab-lab na yan. lab daw ako di naman mapatunayan! puro drawing! puro dakdak napapala ko. ilang taon mo na ba tini-TM? kulang-kulang apat na taon na rin a! di ka pa ba pagod sa kati-TM sa kin? wala kang kasawa-sawa. ako naman si tanga walang kupas din sa lambot ng ilong. kahanga-hanga talaga ang kagagahan ko pagdating sau at hanggang ngayon nagpapaniwala pa ako. ilang beses ko na rin inuntog ulo ko para matauhan. pero pati yata sa pag untog ko mali pa rin ang pagka-perform ko... di kasi dumugo.
darating din ang araw mare-realize mo na wala kang kasing-swerte na meron isang taong kagaya ko nagkakaganito sau na handang hamakin ang lahat makapiling ka lamang. lol.
sana pagdating ng araw na yan eh andito pa ako. wag mo sana pagsisihan ang araw na mawala ako sa yo. oo, mawawala akong di mo natitikman ang isaw ko! ever! neknek mo!
Tuesday, May 22, 2007
asar-talo
* PICHAY pinulot sa kangkungan.
* SOTTO nabulaga.
* CHAVIT sumabit.
* PACQUIAO knocked-out.
* ORETA na boomtaratarat.
* MONTANO na outshine.
* GOMA naflat.
eto pa, na resib kong text sa selpon ko:
Inrits Ur Bocabolary
by Manny Pacquiao
TACTICS - tunog ng orasan
PAYT - laban para sa pinoy
TAYTOL - pamagat ng laban
JENGKEH - name ng dyowa nya
NO PEER - commercial nya
MOTOR KID - pag ikot nya sa manila
CHECK IN - manok sa mcdo
MURA LESS - nakalaban nya
WAWAWE - noontym show
DUET - gawin mo
L.A. - Leto Atsensya
eto naman eh galing kay chat buddy bly_beer:
Manny P: Pwede bang umabsent palagi kung Mayor o Gobernador ka? Kung sa Kongreso ay pwedeng-pwede kaya pwede kong pagsabayin ang pagbo-boksing at paglilingkod sa ating mga kababayan. Wais di ba? Sino nagsabing bobo ako?
~~~~~~~~~~~~~~
Chavit: Bakit yung helicopter pag umiikot ang elisi, umaangat sa lupa? Bakit yung bentilador kahit umiikot, nasa mesa pa din?
Manny: Tanga ka pala eh! Kasi yung bentilador may kurdon, syempre pinipigilan yun!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Manny calling emergency hotline:
Absolutely please send help asap! My wife Jinky is giving birth and turning blue.....
Operator: "Calm down sir! Is this her first baby?"
Manny: "Gago! This is her husband!"
PUNCHLINE of the Day!
Boy: "Miss, para kang freezer kapag nakikita kita."
Girl: "Panu mo naman nasabi?"
Boy: "Tinitigasan kasi ako sa yo eh."
Monday, May 21, 2007
chat-mo-sarili-mo
naidlip ako...nagising...hmmmn...sobrang tahimik ng bahay...hinanap ko mga kasama ko...wala si keziah nasa mga cousin nya...may soccer practice si kevin...my niece is nowhere to be found also...ako lang pala naiwan sa bahay...wala makausap...kinuha ko selpown ko...makapag text na nga lang...opss! wala pala akong load...on ko na lang pyuter ko..nag online...login sa YM ... sumilip baka may interesanteng pwedeng makausap.
bah! himala! ang tahimik din. wala ni isang manyak na online maliban sa......ha?? sarili ko??? eto nakita ko.
matagal ng naka-add ang sarili kong id sa YM ko. wala lang... naisipan ko lang i-add kasi inaabangan ko rin sarili ko baka sakali mag webcam yung id ko. para mauna ako maka akses. wahihi.
out of boredom, i decided to send message to myself. na curious din ako how my chat window will look like if i chat with myself. kako, subukan ko kayang asarin sarili ko, maaliw kaya ako? eto ang kinalabasan...
ay!!! doble-doble lumalabas. parang may echo. (natural! gaga!) hihihi! kausap ko nga pala sarili ko. nangiti akong mag isa.
nakikita ko pa sarili ko nagta-type. hahaha! umandar na naman pagiging autistic ko. may sariling mundo. impernes, naaliw ako...naaliw ko sarili ko ng sandali.
Saturday, May 19, 2007
Quote For Today
Friday, May 18, 2007
SMS Jokes
maraming salamat kay wow.kalabaw, Smythballs at Flash sa walang sawa na pagpupuno ng inbox ng selpon ko o pagpapadala sa akin ng mga text messages kahit bihira akong mag share back ng text (mas madalas kasi wala akong load. wahihi! palusot). etong tatlong betlogins nato ang masipag magbigay-ngiti sa akin halos araw-araw thru SMS jokes and i wanna blog it today.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Anak: Tay! Ako lang po ang nakasagot sa tanong ng teacher ko kanina!
Tatay: Talaga anak?? Ano ba tinatanong ng teacher mo?
Anak: "Sinong hindi nakaintindi?!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NOEL: "Ipapangalan ko sa aking anak LEON, baliktad ng NOEL. "
NINO: Sa akin ONIN, baliktad ng NInO.
NITO: Huwag nyo akong isasali dyan sa usapan nyo! Basta Ayoko!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GF: Hu!hu!hu! Bakit natin ginawa to?
Hindi na ako virgin at dalawang beses pa natin ginawa!
BF: Aba,isa lang ah!
GF: Bakit, hindi na ba natin uulitin mamaya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GUY: Doc, I have a problem but promise you won't laugh. (drop his pants and shows the tiniest penis ever)
DOC: (trying not to laugh) Ok, what's the problem?
GUY: Mamamaga po eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Man setting an e-mail account.
Feeling macho and horny, he typed his password "penis".
The wife fell off the chair laughing when the pc replied...
"Password not long enough."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sexy girl nagkukumpisal.
PARI: "Iha, ano ang iyong ikukumpisal?"
SEXY: "Father, pag nakakarinig po ako ng lalaking nagmumura di ko mapigilan sarili ko na yayain sya mag sex."
PARI: "TANGINA! Di nga?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NUN riding a taxi.
DRIVER: I'd like to ask a favor if i may, sister. I've always fantasized kissing a nun. NUN: Ok, but first u have to be a catholic. Second, You have to be single.
DRIVER: I am both. A catholic and still single.
(So the nun fulfill the taxi driver's fantasy and kisses him)
DRIVER: Thank you sister. But I must confess that i lied to u. I am married and i am a muslim.
NUN: That's ok. Coz i'm on my way to a costume party and my real name is...BOYET.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
RIZAL: Alam mo, Ma.Clara, ikaw talaga ang pinakamahinhing babae na nakilala ko.
MA. CLARA: (ngiti sabay takip ng abaniko sa mukha) Bolero! Chupain kita diyan eh!.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DAD: (may hawak na 2 toys, pinapili ang anak na lalake) "Si Barbie o Superman?" SON: "Superman po."
DAD: "Magaling!" (sabay alis)
SON: "Gwapo mo talaga Superman, mwaaah!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BATA: Nay, ano po yung 10 commandments?
INAY: Iyon ang 10 utos ng Diyos.
BATA: Mas mataas po ba kayo sa Diyos?
INAY: Ha? Bakit?
BATA: Mas marami pa kayong utos eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MANGHUHULA: Magiging mapalad ka sa larangan ng sex.
LALAKi: WOW! Ibig mong sabihin marami akong makaka-sex?
MANGHUHULA: Hindi. Palad mo lang makaka-sex mo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NANAY: Hon, kanino kaya nakuha ng anak and kagandahan nya?
TATAY: Siempre, sa yo.
NANAY: Talaga? Panu mo naman nasabi? (kilig)
TATAY: Kasi walang natira sa yo eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
College boy nang asar ng high school girl na sexy.
"Wow pare! High school pa lang pero ang boobs pang college na."
GIRL: "Ikaw! College na pero titi mo pang Grade 1 pa!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bakit ideal wife ang mga bikolana?
Kasi ang boobs nila mala-MAYON.
Ang labi nila sing-init ng siling-LABUYO
Ang pekpek puno ng GATA
At ang mani sing-laki ng PILI.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOST: "Ilan taon na kayo, lolo? Mananawagan ba kayo, lolo?"
LOLO: "Opo, 98 na po."
HOST: "Wow tanda nyo na pala. Sige manawagan na po kayo."
LOLO: "Kuya, umuwi ka na. Di na galit si Daddy sa 'yo."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
JAP and PINOY in office.
PINOY: Your new secretary's very beautiful.
JAP: She's a robot I bought in Japan.
PINOY: That's amazing. She looks so real!
JAP: If u squeeze her right breast, she take dictation. And she type too for you if u squeeze her reff breast. Take it and test it in your room.
So pinoy took robot to his office. Within minutes, Jap heard pinoy scream in pain.
JAP: Oh, i forgot to ter pinoy that the robot's pussy is a pencir sharpener. hehehe!
Thursday, May 17, 2007
PMS-ing
Ok, ok, ok,... maybe i'm just PMS-ing (premenstrual syndrome). Errr!! O kaya siguro ngarag lang ako sa kasu-surf sa internet gabi-gabi. Grrrr! Pero hindi eh. May sayad yata talaga ako. Period.
Kulang na lang eh bumula bibig ko sa nararamdaman ko ngayon. Waaah! Ano ba talaga?!!! Bakit ba galit na galit ako? Feeling ko aping-api ako. Eh di ko naman alam kung sino umaapi sa akin.
Tapos nalaman ko pa ubos na daw bigas namin. Maygad! i wanna dieeeee!!! Bakit ganito ang drama ko, all of a sudden parang pasan ko ang daigdig.
Sometimes i simply hate being a woman. With all this hormonal changes ... mood swings, tender breasts, a swollen abdomen, food cravings, fatigue, irritability and depression i have to deal every month ... minsan wish ko sana pinanganak na lang ako na may BURAT. Dahil kung nagkataon na naging lalaki ako malamang sa mga ganitong tensed feelings eh siguro konting jakol lang eh solb na ako. lol.
Eh wala. Walang gamot sa ganitong karamdaman kundi ang palipasin ang mga araw. Hayaan ang sarili maging loka-loka at ma-praning. Buti na na lang lately eh andiyan si S ( si Spiderman) sa buhay ko. Kahit papano eh may nakikinig sa litanya ko ng mga di-maipaliwanag na damdamin.
Monday, May 14, 2007
Sunday, May 13, 2007
it's our day, supermoms!
They are our mothers, and we call them with names that could best represent their loving care. It started with the term Ina, which is the exact Filipino translation for mother. As babies, we may have mispronounced this word and produced sounds like Nana, Nay and Inay. We got used to these terms because our mothers, at the slight mention of their mispronounced names, would quickly be there for us.
When the Americans came, we made new names for our mothers. We began calling them Mama or Mommy. Then, there were variations, like Ma, Mom, Mamu and Mamang. Some people, wanting to make it sound a little modern, simply use the word Mother. Others use Muder, after the German word, Mutter.
Probably to signify how friendly their mothers are, some people call them Mommyo. Others use Dada, although this word refers to fathers. A lot of other names for our mothers exist, but none, perhaps, could equal the exact sense of being a mother. Because far beyond name-calling, a mother represents the best virtues mankind has ever known.
Saturday, May 12, 2007
one soul
there will come a time in your life when you will become in love with one single soul...
for this person you'd do anything and not think twice about it...
and when asked why...
you have no answer...
you'll try your whole life to understand how one person can affect you as much as he did...
but you will never find out...
and no matter how badly you hate it or how badly it hurts...
you will love this person without regret...
for the rest of your life.
Friday, May 11, 2007
Asawa Ba Kamo?
Every now and then eh may nagtatanong sa akin lalo na sa chat ng 64 million dollar question na to:
"miss maru, may plano ka pa bang mag-asawa?"
(ayaw ko sagutin ang tanong ng tipong pang Miss Universe' Q & A portion na may pa-tweetums.)
Tange! UU NAMAN! Gusto ko pa rin mag asawa at asawahin noh!
Nyeta, sawang-sawa na ako sa apelyido kong Zobel de Ayala at gusto ko naman nagkaroon ng pagbabago. Eh nasan na pala husband mo? tanong pa ng iba pag nalalaman na may kids na ako. Haler! di mo naman kelangan magkaroon ng husband muna para magkaanak noh. Tsaka noon pa man eh uso na talaga ang mga single moms. Siempre pahuhuli ba naman ako sa uso. lols. Ewan ko ba, nagkaroon na ako ng dalawang anak at lahat lahat pero hindi ko talaga feel na maging merid noon.
Mga 3 taon pa lang hanggang sa kasulukuyan ng napagtanto (syet! lalim!) ko na gusto ko na rin magkaroon ng sariling jowa. Yung jowang permanente at panghabang-buhay na talaga. Yung pwede kong tirahin dito sa tirahan ko. Este hindi tirahin, dalhin pala at mai-uwi.
Ewan ko at kusang dumating na lang sa akin yung feeling at biglang, ay! type ko na magka mister! At di lang yun, naging ultimate dream ko pa ngayon.
Sabihin na natin na sa ibat-ibang role ng ginagampanan ko sa buhay eh yung pagiging wifey naman ang gusto ko matikman. Curious ako na malaman kung anong klaseng asawa ako. Malambing kaya ako? Maalaga? Burara? Martir? o Nagger kaya ako? Mangungupit?
Balak ko magka mister na kasi gusto ko ng ma-experience din yung MAY minamanyak ako sa gabi. Yung MAY kukulit-kulitin ako para maka-iskor. Yung nakadukot kamay ko sa kanya para maging mahimbing tulog ko at siempre yung MAY bobosohan ako pag iihi sya at o kaya naliligo. Hehehe! Medyo baliktad yata role ko pero di bale, mas exciting yun. lols! Tsaka i wonder, kaya ko kaya yung amuy-amuyin ko muna ang bagong hubad na brip ng jowa ko bago labhan? Hmmmn... para may naririnig na akong "yuckkkk!" sa readers ko a.
Ang sarap siguro ng may mister, yung tipong tatawag-tawagan mo sya opis sa kalagitnaan ng work nya para sabihin.... "hon, naho-horny ako. uwi ka ng maaga ha? bilisan mo at gagamitin kita". Sweet kaya ang dating ng ganun sa magiging mister ko?
O kaya, pag tuwing araw ng sahod eh sisipagan ko ang pagbibigay ng masahe sa katawan nya, may kasama pang 45 minutes na footspa (talagang magpapaka alila ang gimik) then sasabayan ko ng hirit ng..."hon, may nakita akong magandang relo dun sa suking boutique ko. Type ko. Palagay ko angat byuti ko dun pag naisuot ko yun. Bilhin kaya natin? " o di ba, hindi garapal. hindi halatang kinikikilan mo na sya.
Sayang naman kung hindi ako mag aasawa. mabuburo talent ko sa bed na may paliyad-liyad, pagulong-gulong at yung ungol-ungol ko na parang pusang di makapanganak. Bah! Swerte din ng magiging jowa ko, sabi nga ng isa sa paborito kong blogger na si JON CABRON ..."single moms are hotter in bed." Naks!
Kelan kaya darating si future hubby ko? May nagkakagusto sa akin pero di ko naman masyadong feel. Yung gusto ko naman eh dedma naman ako sa kanya. Ni ayaw nga akong bigyan ng importansya. Hmp! haysss...pang ihi na lang yata to. Baka pag minalas malas pa ako eh baka magsarado pa. waaah! naknampating!
nways, eto handog ko para sa mga singol girlfriends ko. basahin nyo. kung ayaw nyo sa tula na to, bahala kayo! eh pulot ko lang naman to.
ASAWA Ba KAMO?
Bakit ba kahit saan ako magpunta ang laging tanong,
Kung meron na akong asawa?
Sawang-sawa na sa mga tanong kung bakit wala pa.
E, mismo ako nagtataka.
Para ano pa ang mag-asawa?
Para singsing may mapapakita?
Kaya kong bumili kahit dala-dalawa pa.
Para iba na ang apelyido?
Ilang lakad lang sa City Hall
Pwede na akong Pitt, Cruise o di Caprio!
Para may baby ako?
Kaya naman kahit di lisensyado.
Siyam na buwan lang makikita mo na resulta.
Para may katabi sa gabi?
Kaagaw lang sa kumot yan.
Baka malakas pang humilik.
Para pag gising may kasama?
Kailangan ba?
Mouthwash naman ang hanap sa mabahong hininga.
Para sumaya?
Kung talagang hindi masaya, walang magbabago sa pag aasawa.
Mandadamay pa ng iba.
Mag-aasawa lang sa tamang dahilan
Kahit edad wala na sa lotto at kalendaryo,
Basta tama ang panahon.
Eh, papano kung talagang wala?
Eh, di wala.
Amg mahalaga sa buhay - kuntento ka.
Thursday, May 10, 2007
Childhood Memories at Ari-arian ko
Umabot ako sa edad ko ngayon na wala man lang ni isang bagay in my possesion na MAS makapag paalala sa akin ng childhood ko. wala tuloy akong ebidensya na dumaan ako sa pagka-baby. kahit isang kupas na baby picture ko wala. As in wala ni isa talaga. curious tuloy ako kung ano itsura ko nung bata pa ako.
Ang natatandaan ko lang eh mga wento gaya ng sinasabi sa akin noon eh ang puti-puti ko at kyut-kyut ko raw. (achoos! wahehe!) At marami daw akong kuto noon. waaah! totoo yun. Lalo na pag bagong ligo ako, pinag aagawan agad ng apat kong ate ang kapipiranggot kong ulo kasi masarap daw maghinguto pag basa pa ang buhok kasi hirap pa gumapang ang mga kuto. Mangiyak ngiyak ako dahil halos matanggal na ang ulo sa leeg ko sa mag kabilaang tiris at sabunot sa buhok ang ginagawa ng mga ate ko. Asar ako lagi kasi di ako makapaglaro agad. Babad ako lagi sa araw. Ihi lang ang pahinga sa pakikipaglaro sa labas ng bahay kaya kutuhin ako.
Sa burol ng sister kong si Beth 3 years ago, bumalik ako ng Samar where i spent my childhood 'til 10 years old ako. Nagkita kita uli kami nung mga dati kong kaibigan sa samar. Kumustahan. Tsikahan. And then there was this one woman, matured na sya at di ko na nga maalala pangalan nya eh biglang sumingit sa kumpol namin at sabi may mga wento sya about me nung bata pa ako. Kahit di ko na sya masyado natatandaan eh naging all-ears at napangiti ako sa ka-prangkahan nya. Former neighbor ko sya sa samar. She can still remember na ang hilig ko raw maligo sa ulan noon and take note, hubo't hubad akong nagtatakbo sa kalsada.isip-isip ko, syet! hubadera na pala ako noong bata pa. bwahahaha! ganun naman talaga mga bata. mahilig magtampisaw sa ulan, hubot hubad kasi wala pang malisya. Di nga raw maiwasan na hindi ako lingunin kasi super-puti daw ako.
At eto ang di ko kinaya sa wento nya at napahalakhak talaga ako pati na mga kasama ko... ang di daw makalimutan ni dating mrs. neybor ko eh yung fukengkeng ko. haba daw hiwa at tambok. BWAHAHAHAHA! di ko alam kung namula ako nun sa pagkasabi nya. lakas ng tawa ko sabay sabing.. "amp! kala ko ngayon lang to.... inborn pala" syet! asset kaya to?
Wednesday, May 9, 2007
To all MOMS, moms at heart,
prospective moms and moms wanna be.....
Before I was a Mom,
I never tripped over toys or forgot words to a lullaby.
I didn't worry whether or not my plants were poisonous.
I never thought about immunizations.
Before I was a Mom -
I had never been puked on.
Pooped on.
I had complete control of my mind and my thoughts.
I slept all night.
Before I was a Mom
I never held down a screaming child so doctors could do tests.
Or give shots.
I never looked into teary eyes and cried.
I never got gloriously happy over a simple grin.
I never sat up late hours at night watching a baby sleep.
Before I was a Mom
I never held a sleeping baby just because I didn't want to put them down.
I never felt my heart break into a million pieces when I couldn't stop the hurt.
I never knew that something so small could affect my life so much.
I never knew that I could love someone so much.
I never knew i would love being a Mom.
Before I was a Mom -
I didn't know the feeling of having my heart outside my body.
I didn't know how special it could feel to feed a hungry baby.
I didn't know that bond between a mother and her child.
I didn't know that something so small could make me feel so important and happy.
I had never gotten up in the middle of the night every 10 minutes to make sure all was okay.
I had never known the warmth, the joy, the love, the heartache, the wonderment or the satisfaction of being a Mom.
I didn't know I was capable of feeling so much, before I was a Mom.
Tuesday, May 8, 2007
"et alia"
belated happy birthday ( may 7 ) sa ate ellen ko nasa canada at sa late twin sisters kong si eliza and elizabeth. iisa petsa ng kapanganakan nila. yup, nanganak ng kambal ang butihing ina ko noon habang unang bertdey din ang panganay kong ate. astig talaga ng namayapa kong nanay, nakatipid sya sa mga handaan noon a. na-miss ko na sobra ang magkakambal kong ate. i know lyza and beth are in a better place right now. mga sisters, nasan man kayo ... miss na miss ko na kayo.
nawalan man ako ng dalawang ate, eto may nadagdag naman sa angkan namin kanina. congrats to my niece Gay Lani for giving birth to a baby girl named Aindrea. hay, nadagdagan na naman ang apo ko sa pamangkin. tsk, tsk, na-ceasarian ka pala, iha. at ang masaklap nyan eh hindi pala french cut ang ginawa sa u. panu yan ineng, hindi ka na makakapag 2-piece bikini nyan. hehehe. unang baby kaya alam ko...priceless yan. congrats ulit sa inyo ni glen.
NANAYness
Thank you for teaching me how to love
Showing me what the world means
What I've been dreamin' of
And now I know, there is nothing that I could not do
Thanks to You
For teaching me how to feel
Showing me my emotions
Letting me know what's real
From what is not
What I've got is more that I'd ever hoped for
And a lot of what I hope for is
Thanks to you
No mountain, no valley
No time, no space
No heartache, no heartbreak
No fall from grace
Can't stop me from believing
That my love will pull me through
Thanks to You
For teaching me how to live
Putting things in perspective
Teaching me how to give
And how to take
No mistake
We were put here together
And if I breakdown
Forgive me but it's true
That I'm aching with the love I feel inside
Thanks to You
Sunday, May 6, 2007
Cheap Thrill
now my civil status is single pa rin naman, however i'm with kids na. as a sole provider of three souls (a son, a daughter and a niece) i no longer have the luxury of shelling out much moolah to my personal whims and caprices. given na yung reality na mahihilig talaga kaming mga babae sa damit, sapatos, bags, make-ups at kung ano pang anik-anik na kakikayan. (shopping mall is our 2nd house of worship. lolz.) pero andito na ako sa sitwasyon wherein shopping become a once-a-year activity na lang to me. minsan nga halos tuwing pasko na lang eh. tsk! tsk! tsk! peborit sport ko pa naman ang shopping. lolz.
as a single mom, most often i suffer depletion of dinero. therefore, kelangan kong maging diskarte queen talaga. sa hirap ng buhay ngayon eh need ko ang maging praktikal kaya eto, imbes na sa mall ako mamili eh straight from UK (ukay-ukay) ko na kinukuha ang mga damit ko.
i dunno pero enjoy ako mag ukay-ukay. parang nakakawala din ng stress sa akin. ekskyus me noh, di naman lahat eh madudumi mga damit sa UK. madalas nakukuha ko mga unused pa nga eh at may mga slight damage lang gaya ng mga nawawalang butones o sirang laylayan. sus, andami kayang magagandang damit sa UK noh. branded pa! eh sa pagdadala lang din naman yan ng saplot. kadalasan nakakasabay ko mamili sa UK eh mga working girls o mga taong sa tingin ko wala naman sa itsura na naghihirap.
hereabove is a pic of my latest grab from UK. i bought the pieces last week. each blouse originally tagged at P85 each but with my talent in haggling at pambabarat eh nakuha ko sya ng tig P50 na lang. kitams, sa P100 ko eh may dalawang blouse na agad ako na pang rampa. ganda.
Saturday, May 5, 2007
Hay buhay nga naman...
bumaba ang value ng dollar kontra peso ngayon pero bakit ganun, it seems like it doesnt make any difference afterall. wa ko feel na may epektong maganda ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar. pakonti ng pakonti nga nabibili ng 500 pesos ko sa palengke eh. hay buhay nga naman...
sino kaya ang pwedeng sisihin sa pahirap na pahirap na buhay dito sa pinas? pwede kaya sisihin ang mga politiko? awww! kaya nga ayaw ko na bomoto sa nalalapit na halalan eh. mula noong natalo ang presidential candidate ko na si eddie gil eh nawalan na ako ng gana. hahaha! uy biro lang ha!
pero imadyinen nyo kung nanalo si eddie gil na presidente, siguro bayad na ang pilipinas sa lahat ng pagkakautang sa labas. hehehe! nakakatawa yung plataporma (at wig) nya noon kasi parang nakakaloko at nang o-okray pero ano naman pinagkaiba nya sa mga nanalong kandidato noong nakaraang election? sus, puro din naman sila pangako a. dami nilang chuva ek-ek. halos wala din naman silang pinagkaiba kay eddie gil. nakakaloko. nakakainis. nakakasuya. kaya this coming may 14 eh dedma na ang byuti ko sa mala-peryang halalan. mas mabuti pang magpa manicure na lang ako sa may 14 eh wala pa akong dapat ipag aalala na baka masira manicure ko ng indelible ink kung boboto ako.
Friday, May 4, 2007
Mga Kakaibang Eba
abah! abah! padami na ng padami mga ka-prenster kong lezbo. (lokal at international) wala lang, natutuwa lang ako kasi bukod sa ang gaganda nila (assuming na sila yung mga nasa pics) eh katakam-takam pa mga katawan.
dios mio perdon! por dies por siento! at totoo naman na umaapaw ang kaseksihan ng mga sisters ko. puro hanep sa wankata at ang mga boobs nila...oh my gulay! panalo halos lahat! at eto pa...ang kikinis ng pekpek nila!!! pramis! bwahehe!
straight ako pero parang gusto ko na magbago ng sexual preference tuwing nakikita ko mga private pictures nila. (echooz lang!) nakakainggit sa ganda ang hubog ng katawan nila. kapanta-pantasya! para tuloy ako naiihi pag nasisilip ko mga larawan nila. lolz! eh siguro dahil sa ako mismo ay isang dakilang tagahanga sa porma ng katawan ng iba't ibang Eba. hmmnnn...di kaya may inclination ako na maging isang bisexual?
eh hindi ko trip ang makipag eyeball ng mga pipol from chat or net pero sa mga magagandang nilikha ni Lord na gaya nila eh parang gusto ko ma-eyeball bawat isa sa kanila. ang saya-saya siguro! o, di ba... it's gonna be a fantasy come true! hehehe! nways, sana dumami pa magpa-add sa akin na mga girlfriends. sorry guys, most of them eh hindi nagpapa add ng may burat sa friendster account nila. yaan nyo, wentuhan ko na lang kau lagi. lolz.